"Kaya mo ba?" tanong ni Vice nang matapos magshake nung bote.
"Pagpraktisin mo si K, kaya niya yan!" pagchi-cheer ni Billy habang nagda-drive.
"Teka, bat parang di naman sa bahay and diretso natin, Dad?" –Coleen
"You'll see why in no time." Billy said, with a reassuring smile.
Si K na ang nagpadede sa baby habang tinuturuan siya ni Coleen kung paano. Since halata mula sa salamin na tinitingnan ni Coleen na nangangalay si Karylle, "Vice, paki-alalayan na lang oh."
Umabot ng unan si Vice at inilagay niya sa ilalim ng siko ni Karylle. Pero dahil masyadong mababa, siya na lang ang dumikit at sa hita niya ipinatong ang throw pillow sabay dito ipinatong ang siko ni Karylle.
"Ayan!" –Coleen
"Mas komportable?" Vice asked.
Hindi naman napansin ni Karylle ang tanong nito, kaya't bagkus ay naka-focus lang siya sa pagpapadede ng sanggol.
"Perfect!" wika ni Billy nang masilip ang nagaganap sa likod.
Possibly, iniisip ni Vice na hindi pa ayos si K kaya hindi pa nasagot kaya naman inadjust niya pang muli ang unan sa ilalim ng siko ni Karylle.
"OK na, thank you." Sagot ni K habang pinagmamasdang mabuti ang sanggol na pinapadede niya. Ang baby naman, naka-focus lang sa chupon nito.
Vice kissed the baby's forehead.
"Ambangu-bango talaga pag baby. Pag tumanda, ang asim na eh."
"Hahaha!" Tawa nila.
"Ikaw Vice, kelan mo plano magkababy?" magiliw na tanong ni Coleen.
"Parang pwede kami ng jowa ko no? Plano naming mag-ampon na lang."
"Sos. Iiwan ka din niyan." –Billy
"Sakit naman non, Brad." -Vice
" Hahaha!"
"I'm telling you, there will come a time, magbabago din yang isip mo." –Coleen
"Chosera."
"Ikaw, ano sa tingin mo, Karylle?" baling sa kanya ni Billy.
"Basta walang forever." Balewalang sagot ni Karylle.
"Ambitter!" buska ni Vice
Na-ubo bigla ang sanggol. Di pa ubos yung milk, may 1ounce pa.
"Ayan, nabubulunan si Colbie sa mga sinasabi mo." Natatawang wika ni Vice habang inaayos ang bonnet ng baby. Malapit na din kasi sila. Papagburpin na sana ni Karylle ang sanggol pero dahil ngumanga pa ito nang ilapit ang feeding bottle sa kanya, kaya ipinagpatuloy lang ni Karylle ang pagpapadede.
"Maniwala ka't sa hindi Colbie, walang forever." Paninindigan ni Karylle sa kaninang sinabi.
Ipinagpatuloy ng baby ang pagdede at tiningnan niya sa mata si Karylle.
"Tinitingnan ka niya oh." –Vice
"Ano, diba? Kahit yang nanay at tatay mo, pasasaan ba't maghihiwalay din yan!" walang kyemeng wika ni Karylle.
Natawa na lang si Coleen.
"Don't say bad words." – Billy.
"TInuturo sa kin ng manang na 'to? Saklap ng lovelife niya, idadamay pa 'ko?" Pagbe-baby talk ni Vice na kunyaring sagot ng baby.
"I'm just teaching you the reality of life, Baby. Ninang mo 'ko. Di ko ituturo sa'yo ang bagay na di ko pa napapatunayan."
"Assusssssss. Eh tiba, ikaw, di ka pa naman nagkakalovidubs, ever? Paano mo naman nasabi yan?" Vice babytalks again... assuming na hindi pa din naman nagboboyfriend si K. Madami naman kasing ganun, nakikiuso sa bitter-bitteran, 'walang forever' chenelyn pero ang totoo, kaya ayaw nila maniwala kasi hindi pa nila nararanasan.
"Kaya nga hindi nagla-lovelife kasi alam na ang magiging ending. Sa panahon ngayon, sina Cinderella na lang may happy ending. Tsuh! Kahit nga true-to-life princess, kundi nanloloko, niloloko ng asawa eh."
"Hindi kaya." –sagot daw ni Colbie, sabi ni Vice.
"Ano tawag mo kay Princess Diana?"
"Hhindi ko kilala hyun. At itha pa. Pakelam ko bat ha kanila? But thina mommy?"
"Bago pa lang kasi."
"Ambitter-bitter mo, Ninang. Para kang milk na panis."
"T*nga, maasim yun."
Bumulwak naman ang tawanan sa harap nina Coleen at Billy.
"Maka-tanga 'to ah. Talino mo 'teh?" -Vice
"Baby, bat lumaki boses mo? Naka-shot ka ba?"
"HAHAHAHA!" –Coleen & Billy
"Oh, engot. Lumiliit ang boses pag lasing." -Vice
"I hear a moron speaking. Iba-iba kaya reaksyon ng bawat tao sa alcohol."
"Bakit, nakatikim ka na?"
"Tingin mo naman sakin?"
"Manang ka."
"Manahimik ka na lang." -Karylle
"Sino nag-umpisa?" –Vice
"Sinabi ko lang yung paniniwala ko, bakit ka sumagot?"
"Ako ba yon, diba siya?" turo ni Viceral sa bata.
"Kung nakakabangon lang 'to, kanina ka pa nabatukan."
"Coleen kasi, kung anu-anong tanong." –Vice
"Eh ikaw kaya nagsabing ambango nung baby, kaya akala ko gusto mo din. May pababy-babytalk ka pa kay Karylle. Malay ko ba kung---"
"Sabi na nga ba talaga eh. Edi Back to you, Vice!" ani Viceral, earning their laughter once again.
"We're here." Billy pulled over.
Tumigil sila sa isang restaurant na pamilyar kay Coleen and bam! It's her despedida party. Kasabay ng Christening reception ni Colbie.
;)
Till our next update. Thanks.
;D
