Kuya's Leaving... Daddy's Leaving.

1.4K 47 3
                                    

"Can I count on you?"

The question kept reverberating in his mind. Pakiramdam niya, ang bigat ng naiatang sa kanya. Pwede pa ba magback-out? Kapatid ni Billy 'to!! At anak nilang dalawa ng bestfriend niya. Idagdag mo pang hindi nga sila in good terms nung kapatid.

"Kuya..." He heard sobs from the front passenger's seat. Nasa likod siya nakaupo ngayon habang si Billy ang nagda-drive at si Karylle naman, karga ang baby sa harap. "Sabi kasi sa'yo si Vice na lang pagdrive-in mo eh. Last minute na natin to, busy ka pa rin."

"Tigilan mo nga 'yang kakaiyak mo diyan, mas malala ka pa umiyak sa bata." Natatawang sabi ni Billy.

"Kasi naman eh. Bakit ba?" Kinarga't pinapatindig sa paa ni Karylle ang baby habang nakasuporta sa pagwiwigggle wiggle ng mga binti nito sa pamamagitan ng paghawak sa trunk ng baby. Nagtha-thumbsuck si Colbie at tinatawanan si Karylle.

"Kita mong pinagtatawanan ka lang oh."

"Kuya naman eh. Ikumpara ba 'ko sa kanya? Ni wala ka pa ngang isang taon na nakikilala nito. At pustahan pa tayo, ni hindi ka nga niya kinikilala."

"Ano ka, kilala na kaya niya 'ko! Baby, where's Daddy?" Billy says, talking to the child. "Colbie, listen to me. Asan si Daddy?"

Umiling lang ang baby at yumakap kay Karylle.

Dinilaan ni Karylle si Billy kaya naman natawa na lang ang kuya.

"Yan na nga ang point. At most siguro, hanggang magtwo-years, three years old siya... Ang importante yung mga panahon na hindi niya maaalala. Mag-iipon kami ng maigi ni Coleen. Para din naman kay Colbie yun. Para sa pamilya nating buo."

"Formative years yan hanggang mag-four. Paano kung sa akin mas magcling si Colbie? Paano kayo?"

"Madali na lang yun. Ang importante, pagka may malay na siya, lagi na namin siyang makakasama sa bahay. Usapan naman namin ni Coleen yun. Planado na yan lahat."

"You really changed a lot after you met that girl."

"That's when you know you're in love."

"What?"

"You change."

"Hindi lagi ah."

"You change for the better. You grow."

The baby cooed. "Yaaa-ah!"

"Kita mo pati baby, nag-aagree." –Billy.

"Kung mahal ka talaga ng isang tao, hindi kailangan magbago ng kahit isa sa inyo. Tatanggapin ka niya kung ano at sino ka." K says, with her voice giving a hint of her self-secured accuracy.

"True. May mga bagay na nagse-stay pero may mga bagay din naman talaga na kailangan pang pagbutihin para mag-improve. Sa mature love, dapat pareho kayong lumalago at umaasenso hindi yung napag-iiwanan, nagsasakripisyo yung isa, tapos yung isa lang ang umaangat. Tapos sasabihin true love."

K just nodded and smiled. Contented of how the almost-argument turned out.

Natawa naman si Vice sa tinungo ng usapan ng magkapatid. Nag-iiba talaga mood nitong si Karylle pag yang 'love' na yan na ang pinag-uusapan. Bitter. Nagkaboyfriend na kaya 'to? Ay, oo nga pala, hindi pa. Matext na nga lang si jowa.

To: Baby Boy

Hi, munchkin!

From: Baby Boy

Oh, good morning. Sorry, di aq nktxt agad. Kakagcing ko lang. Maen k n? OTW na cguro kayo ngaun ano? Ingat Baby Girl.

Nakita sa front mirror ni Billyng namumula ang sakay nila sa likod. Utut. Kinikilig. Natawa siya kaya tiningnan din ni Karylle ang huli niyang tiningnan. Napabulwak ng tawa si Karylle.

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon