Crazy Fuzzy

1.3K 77 10
                                    

Karylle shakes her hands to relieve her tension habang kabadung-kabado sa huling eksenang kinaharap nila kanina.

"K..."

"What did she mean by that? Are we going to jail?" her mind trembles.

"Huy, anong jail?"

"Jail! She said, she's gonna see us on court. Vice. Tsk! Kuya naman kasi, ba't-- ugh! Ba't mo kasi ginalit?" biglang baling niya kay Vice.

"Anong ginalit? Ang ayus-ayos ng pagpapaliwanag ko." Iwas ni Vice at humalukipkip sa kinatatayuan.

"What do we do now? Shucks!" Di magkamayaw ang utak ni Karylle sa dami ng eksenang naiisip na posibleng mangyari habang si Colbie naman, tahimik lang na tinitingnan siya't nakanganga pa... Halatang nawiwirduhan sa inaakto ng Tita niya.

Napokus sa dingding ang mata ni Vice habang nakahalukipkip pa din at sinubukang pagaanin ang loob ng dalagang labis na nag-aalala. "Hanggang salita lang yan si Tita. Magpapalamig lang ng ulo yun. Tsaka isa pa, anak niya mismo makakalaban niya, tingin mo talaga itutuloy niya 'yon?"

"Takot nga sa kanya si Coleen eh." K huffs, habang nganga pa rin si Colbie sa kanya. Nalipat ang tingin ng sanggol kay Vice nang magsalita ulit ito.

"Kahit na ba? Osige... kung hindi kontra. Kung meron man kahit katiting na pake pa sa anak niya gaya ng sinasabi niya... hindi siya magsasampa ng kaso dahil panigurado yan, pati sina Coleen, damay! Eskandalo pa kaya 'yun. Lalo pa't ang alam nila sa agency niya sa MayBlin, walang asawa't anak si Coleen? Kasuhan niya man tayo, mas patung-patong ang kakaharapin ng anak niya pag ginawa niya yun. Domino effect yan, pag nagkataon."

"She has the money, Vice. Kaya niyang magpatahimik ng tao, for sure. Kaya niyang magbayad ng judge.. or whatsoever. No offense meant, though... But I just thought..."

"Yung iilang tao, mapapatahimik niya, pero puputok at puputok yan. Aba, sila din! Nag-iisang paraan para hindi madawit dito ang pangalan ni Coleen is kung sasabihin niya na hindi anak ni Coleen yang si Colbie. Tapos papaano?" sarkastiko siyang tumawa. "Anak niya?? Eh mas papasa pang atin 'tong maliit na 'to eh!" He says, habang papalapit kay K at hinaplos ang baba ni Colbie. Hinawi ni Colbie ang kamay niya at humarap kay Karylle.

Wala pang sinasabi ang dalaga. Mahinahon muling nagsalita ng mahina si Vice.

"Sa tingin mo ba, sasabihin niya yon? Syempre Hindi! Edi ano pang laban niya?" he smirked, habang pilyong nakatingin kay Colbie... tapos kay Karylle.

"You sound so comfortable about this." K rolls her eyes.





"K...." Pagtaas niya ng kamay at pagpapahinahon niya sa sarili't kay Karylle. "Tingnan mo...." Bumuntong-hininga siya't binabaan ang boses. "Antagal-tagal na nagmamakaawa ni Coleen sa pamilya niya noon. Nung binyag na lang. Kinilala ba nila yung apo nila? Diba hindi? Ngayong sumisikat yung anak nila sa States at lahat, biglang interesado sila sa bata?"

"I don't think that's her reason! Vice, they're Coleen's parents, for Pete's sake!"

"Basta ang loyalty ko, na kay Coleen. Sakal na sakal na si Coleen sa kanila noon bago pa mag-US yan no. Ngayon, pati inaanak ko, idadamay nila? Kung talagang gusto niya alagaan si Colbie, dapat umpisa pa lang, kinuha na niya. Ngayong okay na okay tayo dito... nananahimik tayo, bigla siyang dadating, 'akina apo ko'. Ano yan??? Ano tingin niya diyan, tuta?! Papaalagaan saglit tapos pag tapos na sa bakasyon, 'amina ulit'?"

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon