On The Outside

1.4K 69 13
                                    

"I. Beg. Your Pardon?????"

"T@ng@ ko na nga eh. Ulit-ulitin ko pa?" inis na sabi ni Vice habang binababa ang baba niya sa mesa sa ibabaw ng magkapatong niyang mga braso.

"Talagang t@nga. Hindi t@ng@ ang tawag do'n, Tutoy. Banban!"

"Aray,ha."



"Ate, where'd you learn that word?" sabi ng naka-all pink na mukhang pinaglihi sa dibdib sa laki ng pina-implant niyang si Girlie. "Oh, my gee Kuya. You look so haggard. Nasan na ang poging-kuya-kahit-naka-make-up ko? My God! You seem so stressed!" Girlie says, habang tumatabi sa isa pang ate ni Vice.

"Sa ka pang kumag ka. Isang taon kang nauna iiri sakin, wag mo 'kong ma-Kuya Kuya."

Di siya pinansin ni Girlie at inadjust ang pagkakaupo para magleanforward sa mesang pinagpapatungan ng laptop ng ate nila. 

"Girlie, what are you doing?" her sister raises an eyebrow at her.

"Nilalapag ko lang ang boobs ko. I need assistance, Ate. They are so mabigat." Girlie pouts, "Gosh... Ooh! There. My boobies are seated na. Kuya, you were saying?"

"Eh kung pag-untugin ko kaya yang dalawang pinagmamalaki mo, ano?"

"Try mo, Kuya, baka tumagos ka sa screen." pang-aasar pa ni Girlie.




Onti na lang talaga, ibababa na niya ang tawag, wala siyang makuhang matino sa pagvideo-call ng dalawang to. Saglit nga lang siyang pumuslit dahil nag-aayos pa lang naman siya bago magbukas ang salon. Weekday pa, kaya di gaanong dagsa ang customer. Gayunpaman, pag may dumating na siyang customer o tauhan, kakailanganin niya na talagang putulin ang tawag na'to.

Umiyak mula sa crib si Colbie kaya kinuha na muna siya ni Vice at kinandong. Umiiyak pa rin si Colbie. Tumayo siya at tumahan na ito.

"Demanding ah, gusto pa nakatayo?" –Vice

"Hi, baby giiiiirl!!!" Medyo malat na tunog ng boses ang bumati mula sa screen. Pumiglas si Colbie at tumayo sa upuan sa harap ng monitor. Dumamba siya sa monitor at hinahawakan ang mukha ng babae sa screen.

"Sige, sampal-sampalin mo, Colbie. Ganyan nga!" Dalawang kamay ang pinanghahampas ni Colbie sa monitor pero natatawa lang ang babae sa screen.

"Gosh, she's so cute! Sayang, tulog na sina Lorraine at Venice." their older sister remarked.

"Teka, teka... Colbie, malakas na yan. Mawawasak na yung monitor." Kinuha na siya ni Vice at binuhat ulit. Umiyak ang bata... Kinakarga niya, pero gusto magpababa. Umupo ito sa sahig. "Nako, jusko, buti na lang naka-pajama ka. Sinasabi ko talaga sa'yo, pag nakita ka ng Mama mo, lagot na naman ako." Umiyak at naglupasay si Colbie.

"Hala siya?"

"Hindi naman kasi niya nanay yung tinatawag mong nanay niya, Assumera ka lang porke tinatawag kang Dada. Duh!" Girlie rolls her eyes.

"Ansarap talagang dukutin ng mata ne'to." -Vice

"That's enough! Both of you." 

"Colbieeee~~! Colbie, Look at me!" wika naman ng blondina sa screen.

"Wag mong takutin, Girlie, ano ka ba!" saway ng kasama nito.

"Excuse me? This face? Scaring her? Duh! She might even wanna look like me pa kaya. Baby? I'm Tita Girlie!"

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon