Walker

1.5K 67 37
                                    

Isang kulubot, may katabaan... at maitim na kamay ang makikitang nagsusulat sa notebook sa isang tabi sa puno mula sa di-kalayuan. Hawak nito ang isang lapis, at patuloy ang magulong pagsusulat sa hawak na kwardeno ng lalaking nagmamay-ari ng mga kamay.

Naka-karaniwang damit lang ito na polo-shirt at maong. Patuloy niyang sinulat at kinilatis ang mga naririnig. Nakapag-sulat na siya ng blind item tungkol sa nabuntis na bagitong model noon – at pinagpiyestahan ito ng marami. Ngayon ay heto na naman siya... Kumakalap ng ebidensya dahil mukhang nanahimik na ang balitang minsang halos makapagpayaman na sa kanya.


///////////////


Sabay-sabay na nagsipasok ang mga ideya at scenario sa utak ni Karylle, at di na siya nakasali pa sa usapan ng mga Viceral na nagaganap ngayon sa harapan niya. Dagdag problema pag nagising at naghihiyaw sa iyak si Colbie, kaya minabuti niyang medyo diinan ang tenga nito at i-assure na hindi maingayan ang natutulog na sanggol.

"Tutoy eh. Aminin mo na kasi! K. K, diba ano? Welcome to the family."

Naiilang siya na natatawa. Bumaling muli ang dalaga kay Vice, na masama pa rin ang pagtutok ng mata sa mga kamag-anak nito.

"Thank you po." Mahinhing sagot na lamang ni Karylle. Bahala na.

"Yieeee!" bulalas ng angkan.

Taas-kilay siyang nilingon ni Vice habang nagpipigil ng tawa sa narinig nito mula sa kanya. Thank you??

"K! K! Pinapahirapan ka ba ni Tutoy? Pag sinaktan ka, sumbong mo samin ah? Kami sasapak dito." Wika ng isang maskuladong pinsan ni Vice na hindi niya gaanong kasundo. Pero feeling close.

"Nakalimutan ko, di nga pala K ang pangalan niya ah? KARYLLE. Wag niyo nga matawag-tawag na K 'to." Mapang-angkin niyang hinigpitan ang pagkakaakbay kay Karylle. Medyo nasakal si K dun. Pero nasa harap siya ng pamilya ni Vice kaya mamaya na niya 'to kakaltukan.




"Ano namang pinagkaiba kung K o Karylle? Tanong mo muna kay misis kung ano bang gusto niyang tawag namin sa kanya! K? Karylle? Kakay?" baling nito kay Karylle.

Sabunot naman ang inabot ng pinsan mula kay Vice na tuluyan nang bumaba ng kotse. Pinagbuksan niya ng pinto si K at inalalayan ito sa pagbaba... Nakahawak lang si Karylle pasuporta sa ulo ni Colbie habang karga niya ito ng patayo. Inayos niya ang hood ng sanggol.

"Kamukhang-kamukha ni Tutoy, o?"

Nagkatinginan sina Vice at Karylle at saka natawa. Paano niyang magiging kamukha yan? Huh? HAHAHA!

"Maganda, parang yung Nanay." Papuri ng isang tiyahin ni Vice. Ngumiti na lang si K sa ale, pero agad ding tumawa't nailing.

"Seryoso nga kasi, hindi nga amin yan." Pagka-klaro ni Vice, pero wala na namang naniwala sa kanya.

"K, ikaw, mukha kang mabait, alam ko, di ka magsisinungaling." Banat ng makulit na pinsan ni Vice. Naturingang trenta anyos. Malaki pa man din katawan. "Bakit kayo dine-deny nito, gusto mo upakan ko na? Harap-harapan, ate."

"Maka-ate to, kala mo, mas mukha kang tyuhin ni K, g@g0. At pwede ba? Karylle nga kasi, Karylle!" anya, habang hawak ang likod ng bewang ni K.

"Wag ka ngang sumigaw!" pabulong at impit na saway sa kanya ni K dahil baka magising si Colbie.

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon