"Ano 'to?" pag-uusisa ng nobyo ni Vice sa panibagong soot niya nung araw na 'yon.
"Susi. Ganda 'no?" he smiled, a little too proud of the bling-bling/necklace he just got from Karylle.
"Sino nagbigay sa'yo?"
"Partner ko."
"Partner mo???"
"Bakit ba? Tss." Hinawi niya ang kamay ng boyfriend na papalapit para hawakan ang kwintas na bigay ni Karylle.
"Alam mo, Vice, may napapansin ako sa'yo nitong mga nakaraan."
"Kung pag-aawayan na naman natin si Karylle, pwede ba tumigil-tigil ka na? Pagod na pagod na 'ko sa topic na yan."
"Vice. Boyfriend mo ako. Boyfriend. Mo. Ako. Siguro naman, may karapatan akong humingi din ng oras sa'yo lalo na pag nagkukulang ka na."
Umismid lang si Vice at walang ganang nilapag ang tinidor niya sa plato. "So anong point?"
"Alam mo kung anong pinupunto ko, Vice."
"Bakit ko lalayuan si Karylle, para makaporma ka ulit sa kanya?"
"Ano---?"
"Matagal ko nang alam, Carlo. Kaya tigilan mo na pambibilog sa ulo ko kasi pahaba 'to kahit anong gawin mo."
"Vice??? Come on."
"Ano na?"
"Pati nga anniversary natin nakalimutan mo, tapos sakin mo ibibintang yang kalokohan mo?"
"Hindi ko nakalimutan. Ikaw lang nag-iisip niyan. Porke't PSP lang ang nabili ko, minadali na agad? Bakit, ano bang ine-expect mo, Rolex?"
"Ganyan lang ba tingin mo sakin?"
"Hah! Joke lang yun, Carlo, ano ka ba." Wika niya sa isang tonong di mo mawari kung pag-aalo ba o sarkastiko.
"No. It didn't seem like a joke, and I know it's not."
Vice leaned over the table at inabangan ang sunod pang sasabihin ng kasintahan.
"We're off."
"ANO?!" matining na wika ng bakla.
"We're done!"
"Ok." Balik pagsandal niya sa upuan at uminom ng juice sa straw. Hinalu-halo niya din ito para mas matunaw yung yelo.
"Ok?!"
"Surprise! Hahaha-Happy Break-Up, Wala nang tayo, Hahahaha----"
"Vice, be f*ckin serious, I'm breaking up with you."
"P*kyu." Padabog kuno na sabi ni Vice kasabay ng pag-alis at pag-uwi sa bahay nina K. Bw*sit na bw*sit na din kasi siya sa lalaking yun magmula pa lang nung malaman niyang may ibang nililigawan yun habang sila pa.... Much more nung na-discover niyang hindi lang pala silang dalawa ni K ang pinopormahan, may mangilan-ngilan pang nilalanding higad pag nangangati. Kakapalan talaga ng mukha.
Nagdala na lang din siya ng mga damit dito dahil di naman pwedeng sa tuwing di siya makakauwi ay hihiram siya ng damit kay Billy. Di na siya komportable na sa tuwing maliligo siya, ipine-prepare pa talaga ni Karylle ang damit niya dahil si K pa ang namimili ng mga ito't nagdadala mula sa kwarto ng Kuya niya.
"Oh? Lilipat ka na?" natatawang sabi ni Karylle pagkabukas ng gate at nakitang andun si Vice na may dalang maleta sa gate.
"Una, ayokong may mambulahaw sakin sa bahay, pangalawa, wala ka pa ring CCTV kaya kailangan mo ng bantay."
