Discipline

1.5K 66 7
                                    


Breakfast time.

"Kain na kayo oh."

"Yey!!!" Pinatalun-talon kunyari ni Jass si Colbie tapos dinala na niya ito sa dining area.

"Akin na si Colbie." Pagkuha ni K sa sanggol. Kusa namang sumama si Colbie.

Nang makarating sa dining area, dun na napansin ni Viceral na kulang ang mga nakapwesto ng isa. Alam na this.



Nagpagpag siya ng mga kamay niya at nagpunas sa punasan sa ref. "Kain lang kayo ha?"

"Hala. Ikaw, Vice?" tanong ni Trixie.

"Di na muna... ano, tawagin ko lang si Karylle. Nakita niyo ba?"

"Kinuha sakin si Colbie eh. Baka lumabas or umakyat." sagot ni Jass na kumukurot na sa pancakes na hinanda ni Vice.

"Okay, sige salamat. Kain lang, ha?"

"Salamat!" tuluyan na nitong kinuha ang isang buong pancake at binuhusan ng maple syrup. "Sht, sarap..." ungol ni Jass kaya tinapik siya ni Emmy. 

"Umayos ka nga, babae! Grabe, parang siya lang tao eh!" singhal niya kay Jass at nakasimangot lang na dumila sa kanya ito.

"Eto, basta pagkain eh. Antayin mo muna sina K!" awat ni Trixie kay Jass na nagpupuno na sa plato niya ng kanin. May nailuto din naman kasing pritong itlog si Vice.

"Grabe, ang sarap talaga magluto nito ni Vice, kahit itlog mo lang, ang sarap na!" bulalas ni Jass na kinurutan pala pati yung itlog na nasa plato na ni Trixie.

"Salamat." Nakangiti't tatawa-tawang sabi ni Vice at bumaling naman kay Trixie. Pinatong niya ang kamay niya sa balikat nito at tinapik saglit. "Kain lang, ha? Wag niyo na rin antayin si K, sabay naman kami."  

"Sure ka?" tanong ni Emmy habang nagtitimpla ng kape para kay Sir Kean.

Tumango lang ng nakangiti si Vice.

"Thank you." sabi ni Sir Kean habang nakatingin sa hinahalong kape ni Emmy. 

Kapagdaka'y iniwan na sila ni Vice.

"Naniniwala ba talaga kayong di pa sila?" tanong ni Jass na ngumangasab sari-saring pagkain sa plato ng mga katabi.

"Di kasi kumuha ng sariling plato!" reklamo ni Trixie.

"Imposible kasi Girl. Bakla si Vice diba? Paano?"

"Bakit? Bawal ba? 21st Century na ngayon, girl. Ang bakla, di na lang para sa lalaki't kapwa bakla. Pwede na rin sa girl. Aba, aarte pa ba sila? Babae na nga naghahabol madalas eh. Kita mo si Trixie."

Manunusok na sana ng tinidor si Trixie , matapos kalahatiin ni Jass lahat ng nasa plato niya, ngayon--- kaibigan talaga oh.

"Excuse me, demure kaya ako."

"Hoy, nakita kita kanina nung hinawakan ka sa balikat. Nagblush ka, girl! Ano? Kilig agad? Di mo narinig sinabi? Sabay daw SILA. Sila ni Karylle, SILA."

"Move on na! Bwiset. Pisti naman eh T@ng-$#% mo."

Natawa ang tatlo maliban kay Trixie. "Sarap-sarap ng luto ni Vice, pinapawala niyo gana ko."

"Thinking about it nga 'no? Uso na kaya yung gay-girl ngayon sa mga online books and confessions." sabi ni Emmy na kumakain ng pancake niya na hinati na niya ng mala-pizza sa walo.

"Si Troye Sivan na lang eh. Walaaa! Wala na silang magagawa. Mas mahal sila ng mga babae kaya magpakalalaki na lang kasi sila! Kung sino pa mga gwapo, yun pa sumasakabilang-bakod. Saklap. Diba no, Trix?"

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon