"Kuya, something came up. I can't go with you to New York."
"What? Why?"
Karylle holds her phone up habang nagta-type ng mga debit and credit accounts. "Shucks, bat di nagba-balance?"
"Karylle."
"Huh? Ah, Kuya. Eh kasi... May nauna nang employees na nag-leave. Vital positions. Kulang na kulang sa tao for the next three months ang company. Alam mo namang nasa managerial accounting ang level ko. Lalong hindi ako pwedeng mawala. Di sila pumapayag."
"So what will happen now, kaya mo bang mag-isa yan?"
"PHP 112, 050.00 Invoice 34926.... No. Uh. I mean yes. Oo, laki-laki ko na 'no. Kaya ko yan!"
"Sinabi naman kasi sayong dapat maaga pa lang, inasikaso mo na eh. Inuna mo pa yung passport mo, ano gagawin mo dun ngayon?"
"At least, naka-ready."
"Tch."
"San kayo?" tanong ni Karylle. Dinig sa background ang mga nagpi-print na papel dahil panahon din ngayon ng printing ng pay slips.
"Clinic. Andun, chine-check up pa si Colbie."
"Napakasakitin niyang batang yan. Sure talaga kayo dadalhin niyo sa New York yan? Sino mag-aalaga? Akala ko ba, sinabing maga-American Tour ka? Edi busy ka din. Yieee... kukuha na ng yaya!"
"No. Di ko hahayaang may ibang taong humawak sa anak ko."
"So? Ano pinaplano mo?"
"Yun nga kinakakaba ko eh. May chance daw na hindi pa payagan to ng doctor na isakay sa eroplano, o kahit barko. Basta long-distance travel. Kailangan yata at least 2 years old. Ewan, sila-sila nag-uusap."
"Breach of contract ka niyan, kapag bigla kang umatras. Lagot kaaaa. Hahaha!"
"Pwede ba, Karylle. Seryoso to."
"Sabi ko nga." She shrugged apologetically.
"Andito na sina Col, be home early okay?"
"Yes, Kuya. I will."
"Bye."
"Bye bye. Pa-'hi' na lang kina Coleen at Colbie."
"Ge."
Call ended.
"Ansabe?"
"Ayun, nakadagdag sa alalahanin niya." Alangang malungkot, alanganin ding walang pakeng sagot ni Karylle sa mga kasama.
"Alam mo, yang Kuya mo, masyado ka bine-baby. Ano naman kung maiwan ka dito mag-isa? Hello? 33 ka na!" komento ni Jass habang kumukuha ng panibagong rolyo ng papel na ibabala sa printer.
"He just cares for his sister, that's all. Wag ka masyadong intrimitida diyan, Jass." Sabi ng isa pa nilang kaopisinang si Trixie.
Inismiran naman siya ni Jass na siyang dahilan para magsmirk ito.
"Kung lilipad ang kuya mo pa-New York tapos ikaw, maiiwan dito... Ibig sabihin... Aaah! Pede ka na sa slumber party!"
"Hindi pa rin no, G*ga."
"Bakit hindi?" Jass pouts.
"Siyempre every night, ich-check niya pa rin kung naka-uwi na 'ko."
"May magagawa pa ba siya eh ang layu-layo niya? Tsaka... hello? Time-zones niyo nga mismo, magkaiba na, papakailaman ka parin ba naman niya?"
"She's just the submissive type. Di siya sing pakawala mo, Jass." Wika ni Emmy na kakapasok pa lang ng department.
"Lunch na guys. Wala kayong planong mag-break?" sabi ng departmental supervisor nila na siyang nanliligaw kay Emmy kaya madaling napapasok si Emmy sa department kahit technically, bawal yun.