Nagsukatan ng isusuot, shower at ngayon, araw na ng kasal, talagang hindi na kinausap si Coleen ng pamilya niya. Sinubukan niyang pumunta sa bahay nila pero walang tao doon noon.
Nagpadala siya ng mga gown at barong na ayon sa sukat na siya ang nagbigay at alam niyang nakarating, pero ngayon, wala pa rin. Naiintindihan niya naman ito kasi umpisa't umpisa pa lang, ayaw na ng mga magulang niya kay Billy. Kuya niya mismo, sinisiraan ito sa pamilya niya dahil kilala daw na playboy si Billy. Pero hindi nagpadala si Coleen at kinilala niya muna ang manliligaw. Siguro malaking dahilan dito na andiyan si Billy lagi sa pinaka-depressing na panahon na halos ng buhay niya... Nung siya na dapat ang ilo-launch na TVC at billboard model ng isang sobrang sikat na beauty product... sobrang nagsink-in na sa kanya't pinaghandaan na niya ito saka nalang biglang mababalitaan na hindi na pala tuloy ang pagpirma sa kontrata. Pumili daw kasi ng mas sikat na celebrity ang management. Kesa sa isang wala pang kapanga-pangalang tulad niya.
Sinikap nilang sobrang maging pribado ang kasal. Especially dahil controversial couple ang dalawa. Pinakiusapan ni Coleen si Billy na hangga't maaari ay sana sila-sila lang muna ang makakaalam nito dahil pag nalaman pa ng mga taong may anak na siyang paparating, mas lalong hindi dadating ang big break na inaasam-asam niya. Pumayag naman dito si Billy - kahit pa malaking bahagi ng utak niya ang hindi payag sa ganitong sitwasyon.
Dahil kapatid ng groom, itinalagang Maid of Honor si Karylle - sa usapang gagawin ding Bestman ang bestrfriend ng bride na si Jose Marie a.k.a Vice.
Di mapigilang matawa ni Coleen sa tuwing nakikitang nagpipilit magtago ng pagkaimbyerna si Vice sa tuwing pinagpapartner sila ni Karylle sa paglalakad sa isle. Bukod sa hindi ito pansin ni Karylle, di niya din naman sinasabi kay Billy ang dahilan ng pagtawa niya.
Unang rampa.
♪♫♪♫...From this moment, life has begun...♪♫♪♫
"One step per two seconds, please." Sabi ng coordinator.
Sinunod naman ito nina Vice.
♪♫♪♫...From this moment, you are the one...♪♫♪♫
"Sundan ninyo yung tempo ng music, mabagal lang." -coordinator
Ngiting-ngiti naman si Karylle na may hawak na stick, kunyari ito na yung bouquet.
♪♫♪♫...Right beside you is where I belong...♪♫♪♫
"One two, step... one two step." She mumbles as she steps.
"Ms. Crawford, sa harap po ang tingin, ulit."
Pinabalik silang dalawa sa unahan ng pila. Lumakad sila muli.
Ikalawang rampa.
♪♫♪♫...From this moment, life has begun...♪♫♪♫
"Ms. Crawford, no unnecessary movements please." -coordinator
"Sinabi kasing tumingin sa harap, sa gilid ng sa gilid tumitingin, anong feeling mo, nasa runway ka?"
♪♫♪♫...From this moment, you are the one...♪♫♪♫
"Harap ko pa din yan ano. Di naman kasi nililinaw. Ang sabi lang harap. 45 degrees to the left and 45 degrees to the right ng central vision ko perpendicular to my nosebridge, technically, harap pa din yun!"
♪♫♪♫...Right beside you is where I belong...♪♫♪♫
"Bw*set. Nasa school ba tayo teh? Andami mong sinabi! Kaloka ka. Eh kung sumusunod ka na lang kaya uli."
BINABASA MO ANG
Baby
UmorismoIt's two BRATS and one BABY. . . ...Now THAT's quite a responsibility!