Love Out Loud

2K 94 28
                                    


Nagising si K na tulog pa si Vice at may kuryente na.

Suot niya pa rin ang jersey ni Vice at bagung-bagong boxer shorts nito. As in nun lang binuksan para kay K.

Dahil tulog pa naman sila ni Colbie, naisipan niyang maghilamos na muna. Gising na pala yung iba nilang kasama.



"Hi!!!" –Lassy

"Anyari kagabi?" walang hiya-hiyang tanong ni Negi.

"Nagbrown-out." Blangkong tugon ni Karylle.

"Taga-dito din naman kami 'te." Ani Lassy.

"Sorry." Nahihiya't natatawa niyang sabi.

"Sige maupo ka na lang diyan, kami na bahala dito. Nood ka ng TV kung gusto mo. Negs. Yung TV nga!"

Alinsunod dito ay pumunta nang sala si Negi para buksan ang TV at pinasunod niya sa kanya si Karylle.



Nakangiting nagmasid sa paligid si K at napansin ang ilang mga tropeyo't certificate na nakapangalan sa kaibigan. "So he really joins make-up and styling contests..."

"Trot. Alam mo yang si Meme, buti na lang walang kadala-dala eh. Biruin mo ba naman. Palaging talo yan noon. Pero kita mo nitong mga huli, nagsunud-sunod ang panalo. Di ko alam kung inspirado o sadyang natuto lang talaga eh. Tapos kelaki-laki ng cash prize, di mo naman alam kung saan niya dinadala."

"Kanino pa ba, edi sa jowa niya!" singit ni Lassy mula sa kusina. "Alam mo, te, si Vice, grabeng generous niyan. Jusko, mga pamangkin ko, siya nagpagraduate, no?"

"Ako din, laking tulong niyan sakin ni Meme. Napaayos namin yung bahay namin sa probinsya... minsan di mo mahinuha saan niya hinuhugot yung pantulong niya sa amin eh! Oo't malakas 'tong salon... Pero grabe pa rin talaga siya magbigay... Alam mo yun? Ubos-ubos biyaya."

"Kaya swerte din ng mga nagiging jowa niyan eh. Tamo yung ngayon,"

"Tung@ks. Break na sila no'n, nung isang buwan pa. Ano, may bago agad?" pambabara ni Negi kay Lassy.



"O bakit? Maganda naman si Meme ah? Sumbong kita, Negi. Kala mo ah."

"Sabi niya dati, gusto niya mag-expand nung salon. Siguro ayun na nga yun. Iniipon niya sa bangko para pag lumaki, may pampa-expand na siya nung salon niya."



Patuloy lang ang paggapang ng paningin ni Karylle sa mga awards.



"Wait. These ones are too recent." Anya patungkol sa isang hanay ng magkakasunod na tropeyo't certificate.

"Sabi nga sa'yo. Panay sali sa contest niyan."

"How much yung cash prize?"

"Nasa 2K – 10K lang yang mga yan. Pinakamalaki niya ata, ito. 25K."

Saka niya inalala ang pagbili sa kanya ng CCTV ni Vice noon... hindi kaya...Saan pa nga ba? Ang laki ng halagang binuhos ni Vice sa CCTV nila. Sa tipo nung prizes.. Tagal pala inipon ni Vice yun tas napakawalan niya ng ganun-ganon na lang?

"Oh. Gising ka na?" bati ni Vice nang makita siyang kausap nina Negi.



BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon