Antagal na karga ni Karylle ang sanggol, at mangiyak-ngiyak na rin siya dahil di niya alam kung paanong papatahanin ito.
Her phone rang, so she absentmindedly picked it up. Mabobosesan rin naman niya ang kausap pag narinig.
"Uhhhhhhaaaaaaaaaa~! Uhwaaaaaaaaa~! Huuuuu huuuu.... Uhaaaaa~! Mamammmum..."
"Hello?" Ani Karylle habang niyuyugyog ang sanggol para mapatahan. Alas-dos na ng madaling-araw.
"Karylle?"
"Kuya, oh. Napatawag ka? Musta na?"
"OK naman. Wait, what's the matter? Ba't naiyak si Colbie?"
"Ehh... Di ko nga malaman, Kuya eh. May ginagawa ba dati si Coleen dito pag masyadong matagal na naiyak?"
"Wait... wala akong maalala... Sorry K."
"Kamusta na pala kayo diyan?" ani Karylle na inaalis ang pag-aalala sa Kuya habang nag-aabot ng mga rattle na tinatanggihan lamang ng sanggol.
"Teka. Si Colbie ba, napadede mo na?"
"Oo... tapos na. Ayaw na nga eh." Nag-abot muli si Karylle ng chupon at itinapat ang nipple nito sa bibig ni Colbie pero ayaw talaga, umiiwas lang ito at lalong umiiyak.
"Sorry, sorry K."
"Teka, Kuya. May naalala ako. Sorry to hang you up muna ha? Pero kasi kanina pa talaga 'to si Colbie eh."
"Bakit ano yun?"
"Emmy. She knows a lot about babies. Maybe she can help me with this."
"Sige sige... salamat. Gising pa ba yun?"
"Hope so. Si Jass naman ang nocturnal dun kaya kahit tulog na si Emmy, gigisingin naman yun ni Jass."
" Yung diaper ba, na-check mo na? Baka naman may lagnat. Asan ba kasi si Vice bat ikaw lang nandyan?"
"Kuya naman. Syempre pinauwi ko na yung tao. Di naman hanggang gabi ang duty nun dito 'no. Kaya ko naman."
"Sabihin mo lang sakin pag pinapabayaan kayo ah."
"Ang OA pa nun, Kuya actually. Pero wait... teka. Wala, Kuya. Na-check ko na lahat yung possible causes ng discomfort... Isa pa, di ko na siya dina-diaper dito sa bahay. Sabi ni Emz, nakaka-rashes daw yun."
"Ganun ba? Thanks, lil sis. Babawi talaga ako pag-uwi."
"Umuwi ka na kasi! Hahahahah!"
"If only I can, K. I would've rushed there, immediately."
"O sige na, Kuya. Bye muna, tatawagan ko si Emmy."
"Ok. Thank you. In behalf of me, K, say thanks for me, huh?"
"Yes, Kuya. Bye bye!" K said with all smiles at hindi pinahalata ang pag-aalala sa pagpipigil din na mag-alala pa ang kuya niya. Dinial na niya ang number ni Emmy.
Medyo matagal bago ito nasagot.
"Lllo?" bati ni Emmy in a muffled voice.
"Emmy... sorry! Emergency lang kasi. Er... pag iyak ng iyak ang baby... ano dapat gawin?"
"Iyak ng iyak? Depende. Ano na ba chineck mo?"
