"Sorry na."
Inirapan lang siya ni Karylle at pinanlisikan ng mata. Pagkatapos nito ay agad na sinoot niya ang headset niya at nilagay sa music player ang cellphone.
"Wag mo na kasi ako isumbong dun... Bigyan kita kahit anong make-up gusto mo... marami ako sa salon. K naman eh. Kaliit-liit na bagay."
"And don't call me K, ni hindi tayo close." She said at tinaas ang volume ng cellphone in an angle na makikita ni Vice para di na mag-effort pa ito na kausapin siya. "Karindi."
"Cute ka din pala 'no?" he smirked.
But that smirk did not just slip away without getting in Karylle's peripheral vision. Lalo lang niya 'tong kinainis. Enjoying my misery, eh? "Tsk." She switched to another song, dahilan para tumahimik saglit ang earbuds niya.
"...May ganyang side ka pala." , as she heard it... or... did she actually hear him right?? Positive ba 'to o negative?
Tiningnan niya ang monitor niya dahil alam niyang sa anggulong ito, makikita niya si Vice sa reflection, kahit di siya kita nito. He's playing with Colbie... mahina siyang natawa nang kinilig at napapalakpak ang baby sabay damba ulit sa screen ng cellphone ni Vice.
Her two fluffy mittens hitting the screen, then back again. Minsan, naglalaway siya sa panggigigil kaya nakaabang din ang bib na hawak ni Vice sa bibig niya. Tinanggal ni Vice sa Poring Pink Game ang cellphone at pumunta sa messages saglit para replyan ang katext.
Napalingon naman ng buo sa kanila si Karylle dahil nakita niyang tahimik nang nahihikbi si Colbie. Humihikbi lang, pero walang ingay. Dahan-dahang tumulo ang mga luha niya sa dalawang matatambok niyang pisngi.
Vice noticed Karylle's amused face kaya sinilip niya na din ang mukha ni Colbie.
Nakita na nga niya ang paghikbi nito at dramatic na pagtulo ng luha. Diretso lang ang tingin ni Colbie sa baba. Nginangat-ngat ang mittens niya.
Binalik ni Vice ang screen sa Poring Pink para libangin muli ang sanggol.
Colbie grabbed the phone at tinusok-tusok ulit ang mga pumuputok na Poring.
Karylle saw how fast her face switched mula nung nakahikbi hanggang sa biglang natuwa. Di naman din niya nakikita ang nagaganap sa screen kaya di niya alam ang nangyayari.
May nagreply ulit kay Vice kaya napunta na naman sa messages ang cellphone nito.
From: Baby Boy
I'm busy. Nasa office ako. Mamaya, baby.
Karylle was literally pouting while smiling as she sees Colbie's dramatic sobs again.
Tumayo si Karylle para tingnan kung ano bang ginagawa ni Vice sa screen at nagkakaganun si Colbie.
Binalik ni Vice sa laro ang screen. Hagalpak na naman ang tawa't concentration ni Colbie na para bang walang nangyari.
Naghome-screen si Vice.
Hayan na naman ang hikbi.
Binalik niya sa game. Concentrate.
Home screen. Hikbi.