Pagkatapos nilang kumain, nagboluntaryo nang maghuhugas si Vice para si Karylle na ang bahala kay Colbie. Narinig niya rin kaninang bahagyang masakit ang ulo nito at marami pang tatapusin kaya inako na rin niya pati ang paglilinis sa first floor.
"Sige na ako na dito. Matulog ka na."
"Sigurado ka ba?"
"Ayaw mo?" sarkastikong sabi ni Vice dahil kanina niya pang pinipilit si Karylle.
"Kaya ko naman kasi."
"Tapos makikita kitang papikit-pikit diyan kada kirot ng ulo mo. Wag na. Ako na."
"Kaya ko, promise."
"Antigas ng ulo mo K. Ayaw mo uminom ng gamot, ayaw mo matulog, ngayong simpleng aakyat na lang---"
"Kung makapag-utos ka kasi, kala mo kung sinong bata lang yung kausap mo! Ang sakit-sakit na nga ng ulo ko, bubungangaan mo pa 'ko."
"Oh kitam? Edi masakit nga ulo mo. Akyat."
"Magwawalis ako."
Kumuha na ng walis ang dalaga at ipinilit ang gusto. "Di porke't bantay kita, uutus-utusan mo na lang ako kung anong gagawin ko. Kilala ko ang katawan ko, you don't get to order me around! You're not my brother."
Nakapamewang siyang pinanood ng nagtitimping si Viceral. Maya-maya pa'y humalukipkip siya habang nakasandal sa pintuan.
Kahit anong kirot ng ulo, pinipigilan ni Karylle magpakita ng anumang reaksyon. Bumuntong-hininga na lang si Vice at bumalik na sa kusina.
Saka na napapikit at napatigil saglit si Karylle sa muling pag-atake na naman ng migraine niya. Hindi naman ito regular na unbearable ang sakit. Halos ngayon na lang ulit. Napag-isip-isip niyang dahil siguro sa stress. Tumigil muna siya sa pagwawalis at tumayo ng tuwid. Hinawakan niya't pinindot-pindot ang kanyang sentido pero mas masakit pa rin ng di hamak ang likod ng ulo niya. Di siya makaisip ng ointment na ilalagay dahil sa anit niya mapupunta lahat iyon. Ayaw niya rin sana dumepende sa gamot hangga't maaari.
Di nagtagal ay narinig niya ang mga yabag ng papalapit na kasama at pati ang amoy ng pabango nito. Binalewala niyang muli ang sakit at itinuloy ang ginagawa.
"Ikaw, kitang-kita ko sa'yo kung bakit gustung-gusto mong yung mga kagustuhan ng pamangkin mo, nasusunod. Pag naging nanay ka, spoiler ka kasi ikaw mismo, bratinella."
"Excuse me???"
"Dadaan ka?"
"That joke's like Jurassic, can't you get over it?"
"Wag mo kong ma-English English ngayon ah. Inumin mo 'to."
"Ayoko nga! Tsk."
"Tamoto talaga." Pasukong sabi ni Vice habang dala ang tubig at gamot. Napapailing na lang siya sa inaasal ni Karylle.
"Ikaw naman, pag nagka-anak ka, siguro super stiff."
"OKEY."
"Masyado kang disciplinarian. And bossy."
"Wow!"
"Uhuh." Napakapit sa shelves si Karylle nang biglang sumipa muli ang kung ano sa ulo niya. "Sh**."