XXIII - Ang Binukot

1.9K 111 37
                                    

CHAPTER - XXIII


Nagsimula ng lumamig ang paligid, umaalingasaw na rin ang amoy ng alimuom na mula sa lupang tila ba uhaw na uhaw sa tubig na dala ng malakas na ulan. Patuloy pa rin kami sa pagbyahe, nasa loob pa rin kami ng maaliwalas na karwahe at tahimik na nakaupo.


"Ano po ba ang Binukot? Tao 'yun?" Tanong ko kay Tatang.


Sandaling umubo ng bahagya si Tatang para linisin ang kanyang lalamunan, humithit muli ito sa kanyang pipa at pagkatapos ay humarap sa akin.


"Ang binukot ay isang alamat tungkol sa isang nilalang na siyang namamahala at nagmamayari ng lahat ng uri ng agimat at bertud--lahat, kahit 'yong mga agimat na hindi pa nakikilala o nahahawakan ng mga tao." Malumanay na saad ni Tatang.


"...Ang sabi rin, ang Binukot daw ang may hawak ng lahat ng katalinuhan sa buong daigdig--'yun ang sabi ah? Naririnig ko rin na tanging ang Binukot daw ang s'yang may alam kung kailan nabuo ang daigdig, at tanging siya lang daw ang nakakaalam kung kailan ito maglalaho." Sabat ni Je'il mula sa labas.


Napakunot ang noo ko.


"Diyos s'ya?" Tanong ko. Wala akong alam na mas malapit na ikumpara sa Binukot na 'to.


"Hindi, isa lamang siyang normal na nilalang, isang tao--subalit may kakaibang biyaya at katangian." Sabat naman ni Tatang. "Responsibilidad ng Binukot na itago ang kayang katauhan sa lahat, ito ay para maprotektahan ang kanyang sarili at ang mga pinangangalagaan niyang mga agimat at bertud mula sa mga taong ganid sa kapangyarihan, pinaniniwalaan kasi ng ilan na nanggagaling ang kapangyarihan ng Binukot sa mga ito. Itinatago n'ya sa lahat ang tunay niyang pagkatao, nakikisalamuha ito sa ilan, nakikipag-kwentuhan at biruan na parang normal na tao, kailangan niya itong gawin upang hindi malaman ng ilan ang tungkol sa kanyang sikreto." Dagdag ni Tatang.


"Eh paano kapag nabuko s'ya?" Tanong ko.


"Kikitilin siya ng mga manggagapas." Sabat naman ni Je'il mula sa labas.


"Manggagapas?" Tanong ko na naman, lalong kumunot ang noo ko.


Huminga ng malalim si Tatang at muli na namang humithit sa pipa niya.


"Ang mga manggagapas ay mga mandirigmang inatasan para bantayan at prtektahan laban sa masasamang tao at elemento ang Binukot, sila rin ang nagpapasya kung kailangan ba nilang kitilin ang kasalukuyang Binukot sa oras na magpakita ito ng hindi kanais-nais na ugali." Saad ni Tatang.

Dito na talaga ako naguluhan.


"Papatayin? Akala ko ba tagapag-bantay sila ng Binukot? Tsaka anong sinasabi n'yong kasalukuyang Binukot? Bakit? Napapalitan ba 'yung Binukot? Ibig kong sabihin--hindi ba isang tao lang 'yun?" Tanong ko.


Natawa naman si Tatang, narinig ko ring napahagikgik si Je'il sa labas.


Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon