ARENTIS [3]
----------------
Tatlong araw na simula ng mangyari ang mga kaganapan sa lumubog na isla ng Batonakwan, tatlong araw na rin ang nakalilipas simula ng tuluyan ng nawala si Tatang. Isang masakit na kaganapang hindi namin lubos na matanggap—lalo na kaming tatlo nina kuya Gayle at Paolo.
Subalit magkaganoon ma'y, sinikap pa rin naming hindi malugmok sa kalungkutan, ipinagpatuloy namin ang pagpaplano sa mga susunod naming mga hakbang upang matunton ang kinaroroonan ng halimaw na si Minukawa, at nang sa gayon ay muli naming mabawi ang Orakulong si Kheena.
"Ano ang susunod nating gagawin, Acacia?" Tanong ni Jotaro habang inaabutan si reyna Acacia ng isang tasa ng maiinit na kape.
"Wala na tayong iba pang magagawa, kailangang ipaalam na natin sa buong Arentis at sa lahat ng mga kaharian ang tungkol sa muling pagbabalik ng halimaw..." Sagot ni Acacia.
"Kahit sa Riasotera?" Gitna naman ni Geret.
Tumango naman si Acacia. "Oo, kahit na sa Riasotera. Kinakailangan natin ang sama-samang lakas ng mga mandirigma mula sa iba't ibang mga kaharian, upang malabanan ang halimaw... Siguradong hindi magiging madali ang lahat, lalo pa't muling nabuhay si Minukawa sa katauhan ng isang Binukot..." Mungkahi niya.
"Isa itong digmaan..." Bulong ni Geret...
Tumango muli si reyna Acacia.
Mabilis na pinapalipad ni Lerting ang barkong panghimapapwid noon, malakas ang hanging pimapagaspas sa aming mga balat at napakasarap na damhin ang mainit na pagbati sa amin ng bukang liwayway habang narito kami at nagpupulong sa kubyerta ng barko.
Subalit bigla na lang kaming napahinto...
"Anong nangyari? Ba't ka huminto Lerting?" Tanong ko.
Subalit imbes na magsalita'y marahan lamang na itinuro ni Lerting ang makapal na ulap sa aming harapan, dali-dali akong tumakbo patungo doon at inusisa itong mabuti.
"Acacia," Simula ni Jotaro. "Hindi ba't nabanggit mo na kailangan nating humingi ng tulong mula sa kaharian ng Riasotera?" Tanong nito.
Kumunot naman ang noo ni reyna Acacia.
"Pwes, nandito na sila." Nakangising saad ni Jotaro.
Mula sa makapal na ulap na nasa harapan nami'y dahan-dahang nagsi-sulputan ang daan-daang mga higanteng mga ibong sakay-sakay ang ilang mga engkantadong kawal na nakasuot ng luntiang baluti. Lahat sila ay may hawak na mga sandatang nakatuon sa aming direksyon, ang ilan nama'y nag-iipon ng lakas mula sa kanilang mga baston at halatang naghihintay lamang ng hudyat para pakawalan ito.
"Jotaro!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga kawal.
Isang kawal na nakasuot ng asul na baluti at may hawak na dambuhalang palakol ang dahan-dahang tumayo mula sa likuran ng higanteng ibon. Nakatingin ito sa aming direksyon. Napalunok na lang ako nang mapaganto kong pamilyar sa akin ang kanyang itsura—hindi ako nagkakamali.
Si Galur iyon.
"Siguro nama'y alam mo na ang mangyayari, kung sakaling manlaban o susubukan ninyong tumakas—" Ngisi nito. "Hinuhuli namin kayo, sa ngalan ng Hari ng Riasotera. Sa salang pag-atake at pananalasa sa kaharian ng Riasotea, kung saan marami ang nasaktan." Dagdag nito.
Ngumisi at napailing na lamang si Jotaro...
"Ano pa bang magagawa namin?" Bulalas nito.
***
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
MaceraIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...