CHAPTER - XLVI
"Sandali—" Utos ni Jotaro sa amin nang matanaw namin ang tarangkahan ng siyudad ng kaharian ng Riasotera. Mabilis kaming nagtago sa mga nagkakapalang damo at dahan-dahang sumilip.
May mga kawal ang nag-aabang sa labas ng tarangkahan at tila ba may hinahanap. Hindi na naman kailangan pang isipin kung sino ang hinahanap ng mga ito—kami.
Ako, si Je'il at ang pinuno naming si Jotaro.
"Nakita n'yo na ba?" Sambit ng matandang lalaking nakasuot ng asul na baluti at may hawak na palakol. Kaagad na sumaludo sa kanya ang mga kawal na nakatayo sa labas ng tarangkahan, upang mag-bigay galang; nakilala naming kaagad kung sino ang lalaking ito.
Si Galur.
"Hindi pa po pinuno." Sagot ng isa sa m ga kawal. "Ngunit ang iba po ay nasa kakahuyan na at nagpapatuloy pa rin sa paghahanap sa pangkat ng mandirigmang Talimao." Dagdag niya.
"Nahanap n'yo na ba kung saan naroon ang dambuhlang ibon na kanina'y namataan lang sa kakahuyan?" Tanong ni Galur.
"Wala pa rin pong balita tungkol sa kinaroroonan ng halimaw, pinuno." Sagot muli ng kawal. "Subalit ginagawa po naming mga kawal ang lahat ng makakaya namin." Saad nito.
Tumahimik si Galur na tila ba napaisip.
"Narito si Jotaro, nagpakita ang halimaw na si Minukawa..." Dinig kong bulong nito. "Ano na bang nangyayari sa Arentis?" Tanong niya sa sarili.
Binalikan ko ng tingin sina Jotaro, Tatang at Je'il. Seryoso ang mga mukha nilang nakatingin sa direksyon ni Galur at ng mga kawal; maliban kany Jotaro na halos hindi mapigilan ang sarili sa pag-ngisi.
"Wala na kayong mahahanap." Bulong ni Jotaro. "Tinapos ko na." Pinigilan nito ang sarili sa pagtawa.
"Anong gagawin natin?" Tanong ko kay Jotaro. "Papaano tayo makakapasok ng siyudad kung nagkalat na pala ang mga kawal sa paligid—delikado tayo." Saad ko.
"Hmm..." Bulong ni Jotaro. Nilapitan nito si Tatang. "Lucas, papaano ka ba nakalabas ng siyudad kanina?" Tanong niya.
"Doon." Sagot ni Tatang. Itinuro niya ang isang malaking bato na nakatayo malapit sa taranghakan. Malaki ang batong ito na halos mataas pa ng kaunti sa pinuno naming si Jotaro. "Sa likod ng batong 'yan ay may makikita tayong isang lagusan—d'yan ako lumabas kanina." Saad ni Tatang.
"Magaling." Sagot naman ni Jotaro. "Kailangan lang nating maging maingat ng sa gayon ay hindi tayo makita o mahuli ng mga kawal." Dagdag niya.
"Pero pa'no?" Tanong ko.
"Madali na 'yan." Sagot naman ni Tatang na ng mga oras na 'yon ay kinakapkap ang kayang balabal na tila ba may kinukuha mula rito, ilang saglit lamang ay inilabas niya ang isang maliit na supot; nilingon niya si Jotaro at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
مغامرةIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...