CHAPTER VII
Walang ingay ang umaalingawngaw sa buong kakahuyan ng Tanlimook, kung hindi ang yagabag ng hanging pinapakawalan ni Jotaro mula sa kanyang bibig habang ipinapakita n'ya akin ang tamang paraan ng pag-gamit ng estilong itinuturo n'ya sa akin.
Ang estilo kung saan, makakaya ko ng pakawalan ang pwersang nananalaytay sa aking katawan at gawin itong isang napakalakas na atake.
"Huminga ka ng malalim—ipunin mo mula sa iyong tiyan ang pwersa, pagkatapos ay dahan-dahan mo itong iangat patungo sa iyong lalamunan. Dahan-dahan lamang, panatilihin mong buo at hindi kulang ang pwersa habang inililipat mo ito patungo sa iyong lalamunan. Pagkatapos ay buong pwersa mo itong pakawalan sa pamamagitan ng pagbuga." Mungkahi ni Jotaro habang ipinapaliwanag sa akin ang mga dapat kong gawin.
Dahan-dahan itong huminga ng malalim at pagkatapos ay bumuga ng bahagya at sa hindi kalayuan ay biglang tumumba ang isang kawayan na kanina lamang ay nakatayo sa aming harapan.
Ang galing talaga.
"Sa iyong sitwasyon—dahil nag-uumpisa ka pa lamang na gawin ang estilo, maaari kang sumigaw, mahirap at napaka-komplikado ng estilong ito; subalit kapag nasanay ka na'y siguradong malaki ang maitutulong nito sa'yo." Nakangiting sambit ni Jotaro. Bumuga na naman ito na s'yang ikinatumba ng isa pang kawayan.
Marahan kong pinunasan ng palad ko ang pawisan kong mukha, hindi naman nakakapagod 'tong estilong itinuturo sa akin ng pinuno—pero nagsisimula ng manghina ang katawan ko. Pinangangatugan na ako ng tuhod, humhapo na ako at medyo pinananaktan ng katawan.
Hindi pa nga umaabot ng tanghalian eh. Pero grabe, pagod na ako.
"Hindi po ba pwedeng, ipagpatuloy na lang 'to mamaya?" Nilingon ko si Jotaro.
"Hindi." Sagot niya.
Sabi ko nga.
Nilingon ko si Je'il na naka-upo sa sanga ng puno ng kaimito at pinapanood kami habang nilalantakan ang bunga ng nasabing puno. Letse, buti pa s'ya—pa easy-easy lang. Ako, heto—halos magkandarapa na sa pagod.
Ang totoo n'yan, madali lang naman talaga 'yung itinuturo ni Jotaro eh, kaya kong ilipat 'yung pwersa sa loob ng katawan ko mula sa tiyan paakyat sa aking lalamunan, 'yun lang hindi ko ito kayang pakawalan—parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko.
Maka-ilang beses ko ng sinubukan eh, simula ng ipinakita at ipinaliwanag ng pinuno ang tamang direksyon para maisagawa ang itinuturo niyang estilo. Kaso ang hirap.
Lalong sumasakit ang katawan ko. Parang yung inipon kong pwersa sa lalamunan ko eh bumaba at mabilis na kumalat sa buo kong katawan.
Idagdag mo pa yung sakit ng katawang natamo ko ng sigawan ako ni Jotaro kanina, noong sinusubukan naming s'yang atakihin ni Je'il.
Takte talaga...
"Subukan mo nalang muna, kapag naisagawa mo ng maayos—kahit mahina lang; maaari na tayong magpahinga." Mungkahi ng pinunong si Jotaro.
Bumuntong hininga na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko—eh pinuno namin si Jotaro.
"Opo..." Bumuntong hininga ulit ako.
At ganoon na nga akong ginawa ko, inihanda ko ang katawan ko para muling isagawa ang kanina pang itinuturong estilo ng pinuno naming si Jotaro.
"Ituon mo lang ang atensyon mo sa pwersang nasa tiyan mo." Habilin ni Jotaro.
Pinakiramdaman ko ang mabigat at mainit na pakiramdam na dahan-dahang namumuo sa tiyan ko, marahan ko itong pinaakyat patungo sa dibdib ko at habang dahan-dahan itong umaakyat ay siya naman lalong pagbigat nito.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
AventuraIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...