XLVIII - Takas!

1.8K 90 19
                                    

CHAPTER - XLVIII



"O-Orthel?" Gulat na gulat na bulalas Geret habang pinagmamasdan ang mandirigmang kasamahan ni Galur na nakatayo ngayon sa aming harapan. Naka-amba ang hawak nilang mga sandata at nag-aabang ng tamang pagkakataon upang umatake.


"Hmm?" Nilingon ni Orthel si Geret. Ngumisi ito. "Hindi ko inakalang ikaw na pinagkatiwalaan ng Hari na mamuno sa kaharian, noong panandaliang nilisan niya ito ang s'ya pang magtataksil sa kanya!" Bulalas niya habang tinititigan ng dilat na dilat nitong mga mata ang prinsipe ng Riasotera na si Geret.


"Nagkakamali ka! Hindi kami nagtraydor! Nagkakamali ang hari!" Mungkahi ni Geret na pilit na ipinapaliwanag ang katotohanan.


"Tsk." Sagot ni Orthel. "At ngayo'y sinasabi mong nagkakamali ang hari? Sobra sobra naman 'atang kabastusan 'yan, mahal na prinsipe..." Ngumisi ito.


Sasagot pa sanang muli si Orthel subalit pinigilan na siya ni Acacia, tumayo ito sa harapan ni Geret. Hindi naman nagpakita ng pagkabahala sina Galur at Orthel, sa halip ay nanatili lamang silang nakatayo at kalmadong nakatingin sa aming pangkat.


"Ooh... At ngayo'y kasapi mo pa pala ang reyna ng Arentis!" Bulalas ni Orthel. "Nangangahulugang bang may isinasagawa kayong isang pag-aaklas laban sa aming kaharian? Nagbabalak ba kayo ng isang digmaan?" Dagdag n'ya. Lumapit siya ng bahagya kay reyna Acacia at saka ito nginisian.


"Wala rin naman itong patutunguhan kung sakaling sumagot pa kami. Hindi rin naman kayo makikinig o maniniwala, pare-pareho kayong mga engkantado." Malumanay na saad ni reyna Acacia.


Hindi naman sumagot si Orthel na nang mga oras na 'yon ay biglang naging seryoso ang mukha.


Naramdaman ko ang dahan-dahang paglapit sa akin ni Jotaro, tumingala ako upang harapin s'ya.


"Magsama-sama kayo ng mga pinsan mo at si Batluni, hiintayin mo ang hudyat ko-puntahan n'yo sina Lerting sa daungan, tumakas kayo." Pasimleng bumulong sa akin si Jotaro.


"Papaano kayo?" Tanong ko.


"'Wag mo kaming alalahanin, magkita-kita tayo sa Natpo." Sambit ni Jotaro. Ngumisi ito at marahang binalingan ng tingin si Je'il na nang mga oras na 'yon ay napansin ko namang palihim na kinakausap sina kuya Gayle, Marie at Paolo.


Namangha na lang sa bilis ng pag-iisip ng pinuno naming si Jotaro, lalo na sa mga ganitong mga sorpresang mga pangyayari. Napalunok ako at itinuon ang mga paningin kina kuya Gayle at Paolo na daglian naman akong nilingon at tinanguan.


Nilingon ko ang apat na sulok nitong maliit na silid upang hanapin si Batluni, subalit katulad ng nangyari sa lagusan sa sa Eringkil ay hindi ko ito makita, binalingan ko ng tingin ang kamang hinihimlayan ng natutulog na si Kheena at gaya ni Batluni; hindi ko rin ito mahanap.


Nasaan na 'yung mga 'yon?


Tiningala kong muli si Jotaro upang sana'y magtanong, subalit nauna na niya akong sinagot na tila ba alam na niya ang gusto kong sabihin.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon