XXXI - Muling pagkikita

1.8K 110 21
                                    

CHAPTER - XXXI



Eringkil [Gabi]

[Third Person's POV]

-------


Mabilis na naglalakad sina Pau at ang nakabalabal na si Jotaro sa gitna ng tahimik at walang taong nayon ng Eringkil, nasa labas ang lahat at abala sa panonood ng patimpalak na sinalihan nina Je'il, Lucas at ng batang si Kelvin; isang magandang pagkakataon upang maisagawa ang plano nilang makalikom ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng pugad ng kinatatakutang halimaw.


Nagmamadali sila ngayong tinutungo ang himpilan at tirahan ng pinuno ng Eringkil; si Luming-ang baylan ng apoy.


Sa dulo nitong nayon ng Eringkil, sa lugar kung saan kakaunti na lamang ang mga bahay at gusali at naglipana ang nagtataasang mga puno at nagkakapalang mga damo at baging ay matatagpuan ang isang maliit ngunit may dalawang palapag na kubo. Kakaiba ito sa lahat dahil yari lamang ito sa kawayan at sawali, wala itong bubong; sapat na ang kapal ng mga sanga at dahon ng balete na nakalimlim sa kubo upang labanan ang init ng araw at ang mga patak ng ulan.


Huminto sina Pau at Jotaro sa pinto ng nasabing kubo, nagpalinga-linga sila sa paligid upang matiyak na walang nakasunod o nakakita sa kanila.


Tsaka sila kumatok.


"Sino 'yan?" Tanong ng isang boses mula sa loob ng kubo.


"Luming ako ito." Sagot ni Jotaro.


Panandaliang naging tahimik ang paligid habang inaabangan ni Jotaro ang sagot ng boses mula sa loob ng kubo, maya-maya pa ay marahang bumukas ang pinto at sumilip ang isang matandang lalaki.


"J-Jotaro?" Gulat na gulat na sambit ng matanda ng makita ang pinuno ng Uruha na nakatayo sa labas ng kanyang kubo.


"Magandang gabi Luming, may gusto lamang kaming itanong." Mahinahon subalit mariing sagot ni Jotaro.


Hindi naman sumagot ang matandang si Luming, bagkus ay dali-dali niyang binuksan ng maigi ang pintuan ng kanyang kubo upang papasukin si Jotaro at ang kasamahan niyang si Pau.


"Maraming salamat." Nakangiting sambit ni Jotaro.


Maliwanag ang loob ng kubo, maraming mga kandila at gasera ang nakasindi; mga mga upuang yari sa kawayan at yantok ang makikita, mga maliliit na punong nakapaso, at ilang mga librong maiging nakasalansan sa ibabaw ng isang maliit na lamesa.


Sa isa sa mga upuan ay napansin ni Jotaro ang isang batang babaeng may dilaw na buhok at nakasuot ng puting tunika na nakaupo at gulat na gulat na nakatingin sa kanya.


"J-Jotaro?" Tanong ng batang babae.


Hindi naman sumagot si Jotaro at ibinaling ang tingin sa isang lalaking katabi ng batang babae, dilaw rin ang buhok nito at nakasuot ng puting kasuotang madalas na nakikitang suot suot ng mga miyembro ng mga dugong bughaw.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon