XXXII - Ang tatlong muskitero

2K 113 22
                                    

CHAPTER - XXXII



Eringking [Gabi]

[Third Person's POV]

——————————————


Tahimik na naglalakad ang grupo nina Jotaro, Acacia, Geret at Pau; sa loob ng isang madilim na lagusang matatagpuan sa ilalim ng bahay ng baylang si Luming.


Madilim at walang kasiguraduhan kung gaano ba kahaba ang lagusang ito, wala ring nakakaalam kung may mga kakaibang nilalang bang namamalagi rito. Subalit hindi na ito ininda at inintindi ng pangkat, tahimik lamang silang naglalakad.


"Nakakasisiguro ba kayo sa sinabi ni Luming?" Tanong ni Jotaro.


Daglian namang sumagot si Acacia ng may kaunting sungit. "Hanggang ngayon pa rin ba'y hindi ka naniniwala sa kaalaman ng baylang si Luming?" Singhal nito.


Napakamot naman si Jotaro at sumagot. "Hindi ko alam. Hindi ako masyadong nagtitiwala sa mga baylan." Ngumiti ito. "Natuto na ko sa mga kalokohan ni Lucas." Humagikgik ito.


Hindi naman sumagot si Acacia na ng mga oras na 'yon ay napansin ni Pau at Geret na napahagikgik din.


"Mukhang magkakilalang, magkakilala kayo ng kaibigan kong si Jotaro; kamahalan?" Magalang na nagtanong si Pau kay Acacia.


"Matagal-tagal na rin." Ang sumagot at si Jotaro.


"Magkakasama na kaming tatlo nina Jotaro at Lucas simula pa noong huling digmaan." Sabat ni Acacia. "Kung alam mo ang kwento tungkol sa engkwentrong naganap noong huling digmaan sa Hilaganon ay siguradong makikilala mo kami." Dagdag nito.


Nilingon ni Acacia si Jotaro at dagliang ngumiti.


Habang nanatili namang tahimik si Pau habang naglalakad, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa lupa na tila ba may inaalala.


Hanggang sa—-


"Ang ibig n'yo po bang sabihin—-ang tinutukoy n'yo po ba ay 'yong engkwentro ng tatlong mandirigma ng Arentis laban sa isang libong mandirigma ng mga engkantado?" Gulat na gulat na bulalas ni Pau. "Kung saan isang Talimao ang napabalitaang kumitil ng humigit-kumulang, tatlong daang engkantado?" Dagdag nito.


"Mm...Mm..." Tumango si Jotaro.


"At kung saan ipinamalas ng isang mandirigma ang kapangrihan nito sa pag gamit ng mahika ng lupa at kakahuyan?" Bulalas muli ni Pau.


"Tama si Lucas 'yon, noong hindi pa siya Baylan." Sagot ni Acacia.


"At kung saan ipinamalas ng nakamaskarang dalaga ang nakakatakot at mapamuksa niyang kapangyarihan?" Sambit muli ng gulat na gulat na si Pau.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon