XLIX - Ang isla ng Tanauwi

1.7K 96 14
                                    

CHAPTER - XLIX



"Oh—gising na pala ang prinsipe!" Pabirong bati sa akin ni kuya Gayle ng makita akong dahan-dahang naglalakad sa mahaba at maaliwalas na arkantarilya nitong barkong panghimpapawid nina Mang Lerting.


Wala naman talagang masakit sa katawan ko, pero hinang-hina at nanlalambot ako simula pa noong bumangon ako sa kama kanina. Sinubukan akong tulungan ni Kheena at nagkusang aalalayan sana ako sa paglalakad, kaso tumanggi ako—kaya ko naman eh.


"Shatap." Nakangisi kong bulong. "Nasaan tayo?" Tanong ko kay kuya.


Napapalibutan ng asul at malawak na karagatan ang buong paligid ng igala ko ang aking mga mata, wala kami sa himpapawid. Nakakunot ang noo ko't nakataas ang isang kilay na binalikan ng tingin si kuya Gayle.


"Anong nangyari?" Tanong ko.


"Tinamaan ang sasakyan natin habang papatakas tayo ng Riasotera." Sagot naman ni Batluni na hindi ko naman napansing nakatayo na pala sa tabi ko at hawak-hawak sa kanyang kamay ang isang tasa ng mainit na kape. "Mabuti naman at mukhang maayos naman ang kalagayan mo, hindi biro ang ginawa mo kanina—" Dagdag niya.


"Ha?" Gulat na gulat kong sambit ng marinig ang sinabing iyon ni Batluni.


"Ano?! Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa Riasotera?" Tanong ni kuya Gayle na nakakunot ang noo at mabilis akong pinandilatan ng mata.


"Ano bang nangyari? Ano bang ginawa ko?" Tanong kong muli. Nilingon ko si Batluni subalit hindi ito sumagot, nilingon ko naman si kuya Gayle na katulad ni Batluni ay hindi rin sumagot.


"Ang ibig mong sabihin kuya, hindi mo alam ang ginawa mo kanina sa Riasotera?" Sambit ni Paolo na marahan namang inalis ang suot-suot niyang salamin at kinuskos ito gamit ang suot-suot niyang kapa.


"Ano bang ginawa ko?" Naguguluhan kong tanong. Ayaw pa kasing sumagot ng mga 'to eh—pa-suspense pang nalalaman.


"Winasak ng pagatake mo ang kalati ng siyudad ng Riasotera," Mahinahong bulong ni Batluni. "Hindi ko alam kung papaano nagawang pakawalan ang ganoong klase ng kapangyarihan, subalit malaking pinsala ang tinamo ng buong Riasotera sa ginawa mong 'yon." Dagdag niya.


"At dahil doon—" Sabat naman ni kuya Gayle.


"Wanted na tayong lahat." Gitna naman ni Paolo.


Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig kong sinabi sa akin nina Batluni, kuya Gayle at Paolo. Natatandaan kong gumuho ang bubong na kinatatayuan namin doon sa Riasotera matapos kong pakawalan ang inipon kong lakas sa espadang kahoy, pero hindi ko inakalawang malaking pinsala pala ang iniwan ng atake kong 'yon.


"M-may mga napinsala ba? Ibig kong sabihin—" Naudlot kong tugon.


Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon