XXXIV - Ungo [Ang pangkat ng mga batang taga-lupa (2)]

1.9K 112 41
                                    

CHAPTER - XXXIV


Nagpatuloy kami sa pagtakbo dito sa madilim at mahamog na kakahuyan ng Eringkil; masyadong makapal at dikit-dikit ang mga nagtataasang punong kahoy na narito, pero magkaganoon man ay wala akong makita o marinig kahit kaunting huni ng ibon, hindi ko na rin marinig ang hiyawan ng mga nagkakagulong tao sa nayon.


Mukhang nakalayo na kami at napadpad sa kaibuturan nitong kakahuyan.


"Magpahinga muna tayo rito." Saad ni Batluni habang humahangos itong umupo at sumandal sa lilim ng puno ng bayabas.


Mabuti naman at naisipan nilang magpahinga, kanina pa ako tagaktak ng pawis e--pagod na din ako.


"Haaay..." Sambit ko habang nag-uunat akong papaupo sa tabi ng nagpapahingang si Batluni. "Nakakapagod--" Banggit ko.


"Pero, 'di tulad noong una kitang nakita--" Tugon sa akin ni Batluni. "Mukhang mas malakas na ngayon ang katawan mo sa takbuhan ah, malayo-layo na rin ang tinakbo natin." Nginitian niya ako.


"At hindi kana reklamador!" Humahagikgik na sabat ni Paolo.


"Sus, syempre nag training 'ata ako!" Mayabang kong sagot kay Paolo. Inilabas ko pa ang dila ko para lalo s'yang asarin at pagkatapos ay dali-dali akong tumawa.


Sandali namang nagsitawanan ang lahat, at panandaliang napuno ang halakhakan ang lugar na pinagpapahingahan namin.


"Haha!" Humahagikgik na nilingon ako ni Batluni na tila ba pinipigilan nito ang sarili sa pag-tawa. "S-sabihin mo, sino ang naturo sa'yo?"


"Aba! Syempre si Je'il tsaka ang pinuno naming si--" Naudlot ako sa pagsasalita.


"Ang pinuno ng Uruha." Sabat ni Je'il. Tinitigan ako nito na parang may gusto itong sabihin, hindi ko naman alam ang gusto niyang ipahiwatig kaya nanatili na lamang akong tahimik.


"Uruha?" Tanong ni Batluni.


Daglian kong naalala na hindi pa pala kilala nina Batluni, kuya Gayle, Paolo at Marie si Je'il; at ang tribong kumupkop sa akin noong mga panahong napahiwalay ako sa kanila. Naisip kong ito na ang tamang pagkakataon para magpakilala sila sa isa't isa.


"--'Yung tribong kumupkop at nagsanay sa'kin noong napahiwalay ako sa'nyo." Bulalas ko. "Je'il, si Batluni nga pala--dati kong guro, at heto naman sina kuya Gayle at Paolo--mga pinsan ko; tapos eto naman si Marie, ang--" Naudlot na naman ako sa pagsasalita.


"Iniirog ni Kelvs." Nakangising sumabat si kuya Gayle.


"Nakupo, hindi ah!" Mabilis naman akong tumanggi.


"Haha! Okeeey... Sabi mo eh." Humahagikgik na sagot ni Kuya Gayle.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon