XLII - Je'il at Jotaro

2K 109 21
                                    

CHAPTER - XLII




Kaagad kaming nagtungo sa isang maliit na pook-tulugan, na nagkataon namang ang may-ari ay kakilala ni Je'il. Wala naman miyembro ng Uruha ang nakatalaga dito sa Riasotera, nagtaon lang talagang maraming kakilala 'tong si Je'il.


"Magkano Tiban?" Tanong ni Je'il sa may-ari nitong pook-tulugan. Inilapag niya ang isang maliit na supot na punong-puno ng ginto at pilak. "Isang kwarto para sa aming lahat... At mukhang magtatagal kami dito ng ilang araw." Saad nito.


Subalit hindi naman tinanggap ni Tiban ang mga baryang iniaalok ni Je'il, bagkus ay ngumiti lamang ito at nagagalak na nagwika.


"Naku! Ikaw talaga oh! 'Wag na, manatili kayo rito kahit gaano pa katagal." Mungkahi nito kay Je'il. "Ako ng bahala sa inyo... Matagal-tagal na rin simula ng huli tayong magkita, pinsan!" Humalakhak ito.


Mabilis namang kumunot ang noo ko at marahang pinagmasdan habang nakataas ang mga kilay ko, sina Je'il at ang iba ko pang mga kasamahan.


"Magpinsan kayo?" Bulong ko kay Je'il.


"Bakit? Akala mo ba wala na akong kamag-anak?" Tanong naman sa akin ni Je'il.


Nilingon ko si Tiban habang masusi nitong binubusisi ang mga nakasabit na susi sa dingding ng tabernang kinatatayuan niya, para bang hinahanap nito 'yung susi na para sa kwartong ibibigay n'ya sa'min.


Gaya ni Je'il, Orano rin 'tong si Tiban. Mabalbon, malaki ang tenga, may buntot—-mukhang unggoy. Malamang, magpinsan nga sila 'di ba? Ang ipinagkaiba lang nila, babae 'tong si Tiban at 'di-hamak namang mas maayos 'tong manamit kaysa sa pinsan n'yang hindi 'ata marunong magsuot ng t-shirt.


"Hindi naman, nagulat lang ako." Sambit ko, mabilis akong lumayo kay Je'il at tinabihan si kuya Gayle na abala naman sa paglalaro ng laruan niyang Gameboy Color.


"Uy ano 'yan? Bakit may ganyan ka?" Gulat na gulat na sambit ko kay kuya Gayle. "Saan mo nakuha 'yan?" Dagdag ko.


"Sa'kin 'to. Napalanunan ko 'to doon sa palabunutan sa labas ng eskwela namin." Mariin namang sagot ni kuya Gayle, na hindi naman ako nilingon dahil tutok na tutok ang mga mata nito sa nilalaro n'ya.


"Hala? Pa'no? Ibig kong sabihin—-ba't dala-dala mo 'yan? Eh 'di ba naging bato na 'yung buong San Pablo?" Sagot ko naman.


"Tch. Tanda mo pa 'yung nakalaban natin 'yung Bungisngis sa lake?" Sseryosong sambit ni kuya Gayle. Hindi pa rin ito lumilingon sa akin.


"Oh?"


"Nasa bulsa ko na 'to noon. Hindi ko lang nilalabas kase ubos na 'yung baterya—-tsaka nakipaglaban nga tayo." Patuloy pa rin sa paglalaro si kuya Gayle.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon