XV - Si Kelvin [Ang paghahanap sa nayon ng mga Alan (3)]

2.2K 125 27
                                    

CHAPTER XV

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko habang palinga linga ko namang iginagalaw ang mgamata ko sa paligid. Binibilang ang mga pares ng nagliliwanag na matang nakapalibot sa amin-binibilang kung gaano ba karaming Undin ang nagbabadya at naghihintay ng pagkakataon para kami ay atakihin.

"Ilan sila?" Bulong ni Je'il na bahagya namang dumikit sa likuran ko.

"Hindi ako sigurado, pero parang nasa trenta sila-hindi ako sigurado." Sagot ko.

"Tsk." Saad na lamang ni Je'il na sinabayan pa ng pag-iling.

Naging tahimik ang buong paligid. Para bang hinihintay namin kung sino ba ang unang aatake-o kung saang direksyon ba magsisimula ang pagatake. Masyadong madilim, kahit na malapit na kami sa labasan nitong kweba.

Ayoko ng ganito.

Hindi naman sa natatakot ako-hindi, ayoko lang talaga 'yung pinaghihintay ako ng mga nakakasagupa ko, nangangati 'yung mga kamay ko. Nanibago ka? Oo...

Hindi na ako 'yung Kelvin na madaling matakot at mataranta sa tuwing maiipit ako sa ganitong klaseng sitwasyon, mga sitwasyong nangangailangan ng matibay na katawan at pagiisip, mga sitwasyong katulad nito na tanging dalawang bagay lamang ang pwedeng magiging resulta.

Ang mapaslang o pumaslang.

Ang magtagumpay o ang masawi.

Hindi na ako 'yung dating bata na mabilis mataranta sa tuwing may makakaharap akong kakaibang nilalang, hindi na ako madaling matakot sa mga sorpresang atake-hindi na.

Nasanay na ako...

Maraming beses ko ng nakasagupa ang iba't ibang mga nilalang sa tatlong buwan kong pamamalagi sa Uruha, isama mo pa 'yung mga nakakatakot na misyong noong una eh inisip kong hindi ko makakaya; mga misyong halos ikina-nginig ng mga tuhod ko sa pag-aakalang hindi ko 'yon magagawa at ang s'yang magiging dahilan ng maaga kong pagpanaw...

Pero nagkamali ako, labis kong ikinagulat na nagagawa ko ng mabuti ang mga misyong ipinapataw sa akin ng pinuno naming si Jotaro. Nakakauwi pa naman ako ng buhay... May mga galos at pasa, oo-pero buhay.

Napakarami kong natutunan sa mga misyon na 'yon. Natuto akong maging maingat sa mga ikinikilos ko, natuto tumakbo ng tahimik ngunit mabilis, natuto akong maging alerto, mapagmasid at maging palaging handa.

Natuto ako ng mga paraan sa pakikipaglaban. Mga paraang naging susi upang maipagtanggol ko ang sarili ko mula sa tiyak na kasawian.

Mga higateng bayawak, oso, leyon at mga taong ibon-may mga higanteng uwang pa nga. Ilan lamang 'yan sa mga nilalang na nakakasagupa ko sa tuwing maglalakbay ako para sa isang misyon. Nakakatawa ngang isipin na kahit Mulato lang naman ang posisyon ko sa Uruha noon, eh ganoon na kahirap para sa akin ang mga misyon-kung sabagay; taga-lupa lang naman ako at normal lang para sa'kin ang matakot sa tuwing makakasagupa ko ang mga nilalang na tulad ng mga nasabi ko kanina...

Pero ayos lang naman, gaya nga ng sinabi ko... Natuto ako.

Idagdag mo pa 'yung mga pagsasanay na ginagawa namin ni Je'il at Jotaro sa tuwing wala naman akong misyon. Pagpapahirap nga tawag ko doon eh-hehe. Ikaw ba naman 'yung utusan na tumalon at magpalipat-lipat sa mga sanga ng puno habang nakagapos ng pareho ang mga paa at braso mo, anong iisipin mo?

O kaya naman eh, 'yung pigilan mo at patulugin ang isang nagngangalit na oso gamit lamang ang iyong mga kamao habang bumubulusok itong papalapit sa'yo.

O kaya naman eh tumakbo ng mabilis habang hinahabol ka ng isang doseang leyon sa kagubatan.

O kaya naman-'yung pinaka simple: Ang pumutol at magpabagsak ng isang puno ng balete sa pamamagitan lamang ng walang humpay na pagsuntok at pagsipa. Walang tools-walang lagari o chainsaw, o kahit palakol. Kailangan mo lang suntukin at sipain ang balete ng paulit-ulit hanggang sa maputol at bumagsak ito.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon