CHAPTER XI
Third Person's POV [Filler]
------------------------------------
"GROOOOOOH!" Sigaw ng isang nakakatakot na nilalang sa isang pangkat ng tatlong kabataang tila ba hindi man lang natinag o kinakitaan ng takot habang nakatayo ang mga ito sa harap ng nakakatakot na nilalang.
"Ito na ba 'yung hinhanap natin?" Tanong ng batang lalaking nakasuot ng pulang balabal at may hawak na isang napakagandang baston na may ulo ng dragon sa dulo.
"Teka sandali—che-check ko lang." Sagot naman ng isa pang batang lalaki, mataas lamang ito ng kaunti sa lalaking nakasuot ng pulang balabal, nakasuot ito ng salamin na bigla namang nagliwanag at manaka-naka'y naglabas ng pambihirang imahe sa harap ng bata. "Oo, 'yan na nga 'yung Norula, kuya." Dagdag nito.
"K-kaya n'yo na ba 'yan?" Mahinhing sambit naman ng batang babae na kanina pa nakatayo sa likuran ng dalawang batang lalaki, nakasuot ito ng makapal at maluwag na sayang maihahalintulad sa mga kasuotan ng mga monghe. Wala itong hawak na anumang sandata, subalit nakapagtatakang napaka-kalmado ng babaeng ito.
Hindi kaagad na nagawang makapagsalita ng lalaking may suot na pulang balabal, ngumisi lamang ito at panandaliang humagikgik.
"Madali lang 'tong Norula na 'to." Sambit ng lalaking nakasuot ng pulang balabal. Itinuktok nito ng bahagya ngunit mariin sa lupa ang napakaganda nitong baston na naging dahilan naman ng biglang paglakas ng ihip ng hangin sa paligid.
Sa pagkakataong ito ay tila ba naalarma ang Norula at mabilis na sumigaw ng pagkalakas lakas.
Ang Norula ay isang higanteng nilalang na maihahalintulad sa isang oso, sila ay mga halimaw na namumuhay sa madilim na kakahuyan ng Deluxio—isang kakahuyang sakop ng kaharian ng Riasotera, ang kahrian ng mga Engkantado.
Mahina ang utak, subalit nakakatakot ang mga Norula, bukod sa mala-higante nitong taas at napakalakas ng bawat hampas ng mga biyas nito, mayroon din itong kakayahan na palabasin ang mga buto nito sa katawan at gawing mga tulos na ginagamit naman nila bilang proteksyon laban sa kanilang mga kaaway o kaya naman ay kapag nakakaramdam sila ng takot at pangamba.
At sa mga oras na ito, ay ganoon na nga ang ginawa ng Norula na siya namang ikinagulat ng tatlong mga kabataan.
"Anak ng papaya naman oh—" Bulong ng lalaking may suot ng pulang balabal.
"Hehe. Tinakot mo kasi kuya eh." Sagot naman batang lalaking nakasalamin. Mabilis nitong ipinagdikit ang kanyang mga palad na para bang nagdarasal—subalit bigla siyang pinigilan ng batang lalaking nakasuot ng pulang balabal.
"'Wag muna Paolo, aatake muna ako." Nakangisng bulalas ng lalaking naka pulang balabal. Gamit ang kanan niyang kamay, ay iwinagayway nito ng marahan ang kanyang baston at biglaang nagliyab ang dulo nito, habang kapansin-pansin naman ang marahang paggalaw ng kaliwa niyang kamay na tila ba naging dahilan naman ng paglitaw ng isang nagyeyelong skateboard na nakalutang ng bahagya sa lupa.
"Kuya Gayle talaga... Magyayabang ka na nama—" Naudlot na sabi ng batang lalaking nakasalamin na si Paolo.
Subalit bago pa man matapos sa pagsasalita si Paolo ay mabilis ng naka-sakay sa nagyeyelong sakteboard ang lalaking nakasuot ng pulang balabal na si Gayle.
"Hayaan mo na Pao, kaya na ni Gayle 'yan." Sambit naman ng batang babae.
"Eh... Nakakainis kasi minsan 'yung yabang n'ya, akala ko ba may strategy na tayo? 'Di ba Marie?" Sagot ni Paolo sa batang babae.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
AventuraIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...
