CHAPTER - XXVI
At ganoon na nga ang nangyari noong gabing iyon; nagpatawag ng isang munting kasiyahan ang pinuno naming si Jotaro, isang kasiyahan tungkol sa pagbabalik namin ni Je'il mula sa misyon ko sa Buruta. Tsaka syempre, 'yung muling pagkikita nila ng bespren niyang si Tatang.
Hindi na naman kumpleto ang buong Tribo, wala ang ilan; sina Sina Tatom at Torio lang ang narito bukod sa amin. Ayos naman, ganito naman palagi dito eh.
Basta may alak, masaya sila.
Sila ah, 'di ako umiinom.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala eh. Akala ko noong una magkakilala lang sila, pero hindi ko inasahang kilalang kilala pala nila ang isa't isa.
"Wala ka bang naging ideya?" Tanong ng pinuno sa akin. "Noong unang araw na nakita ka namin sa Elmintir at nabanggit mo na napahiwalay ka dito kay Tanda, hindi na ako nag-dalawang isip na kupkupin at tulungan ka!" Humalakhak ito.
Inalala ko namang mabuti ang mga pangyayari noong gabi na natagpuan ako nina Je'il at Jotaro sa Elmintir.
"Pero... Bakit hindi n'yo sinabi?" Tanong ko.
"Nagtanong ka ba?" Sagot ni Jotaro.
Hindi na ako sumagot. Sabi ko nga. Sabi ko nga... Kung hindi ko lang pinuno 'to, minura ko na 'to eh--lakas maka-epal. Tsk.
Biro lang.
"Inakala namin ng mga pinsan mo na patay ka na, hindi ka kasi namin makita. Hinanap ka namin--pero wala kaming ibang nakita kung hindi ang mga Ungo." Tugon naman ni Tatang.
"Kasama na namin siya bago pa s'ya makita ng mga Ungo. Binalikan din namin ang lugar na pinagpahingahan n'yo, pero wala na kaming nadatnan." Sagot naman ni Jotaro pagkatapos nitong lagukin ang bagong saling lambanog.
"Nagkasalisi 'ata tayo tatang." Mungkahi ko.
"Marahil ay ganoon na nga. Pero hindi na mahalaga 'yon, ang impotante ay buhay ka--at napunta ka sa kamay ni Jotaro." Nakangiting saad ni Tatang habang hinihithit nito ang pipa n'ya.
"Naku! Opo naman! Napakabait nitong pinuno namin, sobra! Lagi ngang masakit ang katawan ko sa maghapong paglilinis nitong--" Naudlot ako ng bigla akong sikuhin ni Je'il sa tagiliran.
"Ah, eh--ang ibig n'yang sabihin eh, laging masakit ang katawan niya sa maghapong pag-higa. Hinding hindi namin inuutusan 'tong si Kelvin--naku! Sanggol ang turing namin dito!" Bulalas ni Je'il.
Napakunot ang noo ko at daglian akong napakamot. Trip nito?
"Naku, itigil mo na 'yang pambobola mo Je'il, kilala ko 'tong si Jotaro. Mahigpit 'to lalo na kung may hinahasa itong mandirigma." Ngiti ni Tatang. Nilingon nito si Jotaro. "Anong pagsasanay ang ginawa mo dito kay Kelvin?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
AventuraIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...