CHAPTER - XXXV
Tila ba napako ako sa kinatatayuan ko ng gumulantang sa amin ang katauhan ni Libra, na kasama pala at nagtatago lamang sa likod ng higanteng Ungo. Lalo akong kinilabutan at kinabahan ng magtagpo ang aming mga mata--brrr, nakakatakot talaga 'yung nanlilisik at dilaw niyang mga mata! Hindi mo kakikitaan ng bakas ng pagka-awa o pagdadalawang isip; parang sanay na sanay at handang handa ito.
Para kitilin kaming lahat.
"Matagal-tagal na rin s--simula nang huli ko kayong makita, mga taga-lupa." Bulalas ni Libra, nagsimula na itong maglakad ng dahan-dahan patungo sa amin. "At napansin ko ring... Medyo dumami kayo?"
Nilingon nito si Marie na lalo namang nanlaki ang mga mata, kitang kita sa mukha niya ang takot; marahil ay muling nanumbalik ang alaala ng engkwentrong naganap sa amin sa Talisay.
"Hindi pa rin pala tuwid 'yang dila mo 'no?" Simula ni kuya Gayle habang inaayos nito ang magulo niyang buhok, naglakad ito ng kaunti at huminto sa harapan ko.
"At mukhang hindi ka pa rin natututo sss...Sa huli nating laban, bata." Pabulong na sumagot si Libra. Ganoon pa rin ang boses niya, parang inaatake ng hika--parang akala mo laging may binubulong. Matinis, pero puro hangin.
"Tsk." Maangas na dumura si kuya Gayle sa lupa at dahan-dahang pinunasan nito ang bibig niya ng kanyang braso habang matalim niyang tinititigan ang nakangising si Libra. "Daming satsat--"
Mabilis na itinaktak ni kuya Gayle ang kanyang baston sa lupa na sinundan naman ng paglitaw ng isang skateboard na yari sa yelo; nakalutang ito sa hangin na lalo namang ikinagulat at ikinamangha ito. Hinawakan nito ni Kuya Gayle ay mabilis na sinakyan.
"Umpisahan nalang--" Dinig kong saad ni kuya Gayle.
At pagkatapos noon, sakay ng kanyang yelong skateboard, ay mabilis na humarurot si kuya Gayle patungo sa direksyon ni Libra.
"Anak ng--" Naiinis na saad ni Paolo habang hawak-hawak nito ang mukha niyang nakasimangot.
Kahit ako nagulat eh, ginawa na naman kasi ni kuya Gayle 'yung ugali n'yang madaling nagpapa-dala sa init ng ulo. Hindi naman kasi mainitin ang ulo nitong si kuya, kumpara sa akin--mas kalmante 'to.
'Yun lang, kapag napikon o nagalit--nawawala s'ya sa sarili.
Pabigla-bigla na lang s'ya kung magdesisyon.
Parang 'yung ginawa n'ya ngayon.
"Tehehehe... Gaya ka pa rin ng dati bata, hambog at padalos-dalos kung umatake." Bulalas ni Libra na ng mga oras na 'yon ay nakahanda na at nagsimula ng magliyab ang mga lampara sa dulo ng kanyang sandatang patpat.
Subalit hindi naman nagsalita si kuya Gayle, mabilis pa ring humaharurot ang sinasakyan niyang skateboard, kapansin-pansin naman ang dahan-dahang paglaki ng kulay asul na apoy sa kaniyang kanang kamao.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
AventuraIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...