CHAPTER - LXIV
Kakahuyan ng Batulaon/Arentis [Nakaraan]
[Third Person's POV]
------------------------------------------------------------Matulin at humahangos na tumatakbo ang isang binatilyong puno ng sugat at galos ang buong katawan; base sa dami ng nanuyong dugong kumapit sa madungis niyang mukha ay, mapagtatantong isang malupit na karanasan ang kaniyang naranasan—at base sa bilis ng kanyang pagtakbo, at sa maya't maya niyang paglingon sa makapal na kakahuyan ay masasabing tumakas ito mula sa kalunos-lunos na sinapit.
Ang binatilyong ito ay si Nakuayen. Hindi pa siya ang mambabarang na kilala sa buong Arentis, hindi pa niya natatamo ang posisyon bilang ikalawang punong mandirigma ng kaharian. Dahil sa mga panahong ito, ay isa lamang normal na binatilyo si Nakuayen, isang binatilyong tahimik na namumuhay sa simple, payapa at maliit na nayon ng Balacat, na matatagpuan naman sa liblib na parte ng kakahuyan ng Batualon.
"Gah—!"
Sa sobrang pagmamadali at dahil na rin sa maya't mayang paglingon ni Nakuayen sa kagubatan, ay hindi na niya napansin ang nakaharang na dambulanag paa ng isang naaagnas na halimaw. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakasubsub niya sa masukal at maputik na lupa, habang marahang hinihimas ang nananakit nitong lulod. Sandali nitong pinagmasdan ang bagay na nakatisod sa kanya at—
"AH!" Bulalas ng binatilyo.
Laking gulat na lamang niya ng makita niyang hindi ordinaryong halimaw ang ngayo'y walang buhay na nakaharang sa kanyang harapan. Unti-unting nanlaki ang mga mata nito habang marahan niyang iginagala ang kanyang paningin at dahan-dahang naglakad upang lapitan at upang masilayaan ang kabuoan ng naagnas na halimaw...
"H-hindi..." Marahang napalunok si Nakuayen.
Isang dambuhla at naaagnas na pulang ibon ang gumulantang sa binatilyo. Pugot ang ulo nito't nakahandusay naman ang nakahiwalay na ulo sa tabi ng naaagnas na katawan ng halimaw na lalo pang nagpanginig ng kanyang buong katawan. Kilala ng binatilyo ang halimaw na ito, dahil na rin sa kumakalat na balitang tuluyan na rin itong napaslang ng mga mandirigma ng Arentis.
Ang nasaksihan ng binatilyo, ay ang walang iba—kung hindi ang walang buhay na katawan ng halimaw na si Minukawa...
"Nasaan na 'yon?! Hanapin n'yo! Siguradong hindi pa nakakalayo ang binatang 'yon—sa dami ba naman ng pasa at sugat noon sa katawan, siguradong hindi pa 'yon nakakalayo."
Parang may kung anong kuryente ang dumaloy na katawan ng binatilyo, na mabilis na nagpaiktad mula sa kanyang pagkakatayo nang marinig niya ang ilang mga kaluskos at boses ng mga kalalakihang naroon rin sa kakahuyang kinaroroonan niya. Dali-dali siyang napalinga habang pinakikiramdaman ang bawat kaluskos ng mga makakapal na damuhang nasa paligid. Hindi niya mapigilan ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib, malamig na pawis ang dahan-dahang umagos mula sa kanyang noo at isa-isa nang nagsinginig ang kanyang nanlalambot na mga tuhod.
"Narito na sila?!" Bulong ng binatilyong si Nakuayen sa kanyang sarili habang natatarantang nagpapalinga-linga na tila ba naghahanap ng mapagtataguan.
Kilala ni Nakuayen kung kanino nanggaling ang mga boses na 'yon, galing iyon sa mga kawal ng Arentis na lumusob at nanalasa sa kanilang munting nayon, kung saan ang lahat ay nasawi—at tanging siya lamang ang nakaligtas. Sinalakay sila ng mga kawal ng kaharian sa isang hindi maipaliwanag na dahilan...
"Hehehe... Ano ang aming pakay? Wala naman—masyado lamang kaming nababagot sa palasyo, kung kaya napagkasunduan naming mag-aliw-aliw." Naalalang sambit ng mga kawal sa mga magulang ni Nakuayen, bago nila salubungin ang matalim na espadang kumitil sa kanilang buhay.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
AventuraIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...