I - Ang Tribo ng Uruha

5.4K 169 59
                                    

CHAPTER - I

Maaliwalas ang panahon, kakatapos ko lang managhalian—sobrang init; tahimik rin. Walang pinagbago sa madalas na senaryong nakikita ko sa mundo namin tuwing sasapit ang hapon. Lahat tulog, kung hindi sa papag, sa duyan. Masarap naman kasing magpahinga habang lalong umiigting ang init ng araw, lalo na kapag  busog na busog ka—aantukin ka talaga eh.


Pwera ako. Isa ako sa mga batang pinipilit pang matulog sa hapon, 'yung tipong habang abala sa pagpapaantok ang mga tao eh abala naman ako sa pagtakas sa bahay namin para makipaglaro. Oo—takas, ayaw na ayaw kasi ni Papa na hindi ako natutulog sa hapon—masisinturon ako.


Kaya habang natutulog ang lahat, heto ako ngayon at nakaupo sa lilim ng puno ng santol. Pinapanood ang makakapal na ulap habang marahan nilang tinatakpan ang nakakasilaw at napaka-init na araw ngayong tanghali. Tahimik din—ayos na ayos.


Magagawa ko ng matiwasay ang madalas kong gawin tuwing hapon. Ang mag-isip.


Ang isipin ang tungkol sa kung ano bang nangyari sa mga naiwan ko sa Elmintir tatlong buwan na ang nakakalipas, kung ano ba talagang nangyari kina Kuya Gayle at Paolo. KIna Tatang Lucas at Batluni. Kay Marie...


                                                                            ***


Tatlong buwan na ang nakakalipas[Flashback]...


Nanlaki ang mga mata ko habang pinapanood ang mabilis na paglapit ng ibinatong tabak ng lalaking mukhang leyon sa direksyon ko. Hindi ko makagawalang magpumiglas sa kadahilanang napakasikip ng lambat na nakabalot sa akin—nabiktima ako ng isang patibong. Patibong na para lamang sa mga kuneho.


"AAAHH!!!" Sigaw ko.


Wala akong nagawa kung hindi ang sumigaw at pumikit. Gustuhin ko mang iligtas ang sarili ko eh hindi ko kaya, mata ko lang at bibig ang malaya kong naigagalaw—naku lagot. Mukhang katapusan ko na 'ata.


Kaso nga lang, nagulat na lang ako ng maramdaman kong biglang lumuwag ang lambat kung saan ako nakapaloob, naramdaman ko rin ang mabilis kong pagbaba mula sa pagkakasabit ko sa mataas na puno.


"Aray..." Daing ko habang hinihimas ang noon ay nanakit kong likuran. Narinig kong biglang naglakad ang taong unggoy at ang lalaking mukhang leyon, lumingon ako at tumingala.


"Anong ginagawa mo rito?" Sambit ng Lalaking mukhang leyon sa akin habang iniaabot ang mabalahibo at kalyado niyang kamay na may mga matutulis na kuko. Inabot ko naman iyon at tinulungan niya akong makatayo.


"Nangangaso po." Sambit ko. Sinimulan kong pagpagin ang suot kong salawal para alisin ang dumi at putik na nakuha ko mula sa malakas kong pagkakahulog sa itaas ng puno.


"Ikaw lang ba ang nandito?" Tanong muli ng lalaking mukhang leyon sa akin na napansin kong kanina pa niya ako masusing pinagmamasdan. "Papaano ka—papaano ka napadpad dito?" Dagdag niya.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon