XX - Arkantarilya

2K 117 22
                                    

CHAPTER - XX


Natpo [Hapon. Sa Arkantarilya]

[Kelvin's POV]

----------------------

Isang makipot na hagdan ang tumambad sa amin ng buksan ni Je'il ang isang lihim na lagusang nasa sahig nitong maliit at mabahong tindahang pinaghihinalaan naming pag-mamayari ng mga mambabarang na sadya namin dito sa Natpo; madilim ang nasabing hagdan--mahaba rin, para bang walang katapusan.


Tinahak namin iyon.


At nang marating namin ang dulo nito ay tumambad naman sa amin ang isang madilim na pasilyong katabi ang isang makipot na kanal kung saan rumaragasa ang kulay berde at napakabahong tubig.


"Nasaan tayo?" Tanong ko.


"Nasa ilalim ng siyudad." Sagot ni Je'il.


"Tama. Nasa arkantarilya tayo ng Natpo."

Arkantari--ano daw?


"Ano?" Nakakunot ang noo kong nagtanong sa kanilang dalawa.


"Kanal! Bwisit ka, napakasimple ng salita 'di mo maintindihan?" Nakasimangot na saad ni Je'il.


"Sungit mo?" Singhal ko.


Hindi na sumagot ni Je'il, narinig kong natawa si Tatang. Sa'kin ka pa talaga maiinis unggoy ka ah? Eh kung sinimplehan mo lang 'yung word--o 'di sana naintindihan ko kaagad? Letse ka.


Nagpatuloy kami sa paglalakad...


"'Wag kayong masyadong maingay, ipagpatuloy na lamang natin ang paglalakad... Saan kaya tayo dadalhin ng arkanratilyang 'to?" Biglang sabi ni Tatang Lucas.


"Sa puso n'yo?" Pabiro kong sagot.


"Kelvin, kung wala kang matinong maisasagot--mas mainam pa kung ititikom mo muna 'yang bibig mo." Kalmadong tugon ni Tatang sa akin na nagpatuloy na lamang sa paglalakad.


Napakamot ako ng ulo. KJ talaga 'tong si Tatang kahit kelan.


"Tiklop ka 'no?" Pabirong bulong sa akin ni Je'il.


"Tse! Lumayo layo ka nga ng konti sa'kin, pwede!?" Singhal ko.


Narinig kong napahagikgik si Je'il. Napailing na lang ako sa inis. Nag-uumpisa na naman kasi akong mairita, alam kong palabiro itong si Je'il at madalas na ako ang palagi n'yang pinagdidiskitahan, pero minsan--minsan lang, minsan talaga sumosobra na s'ya. Tao lang naman din ako--napipikon.


Tss. Pinapa-saya ko lang naman 'yung ambiance. Masyado kasing tahimik, naiilang ako.


Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon