CHAPTER X
Halos wala yatang balak na tumila ang ulan, napakalakas at walang humpay ito sa pagbuhos—isama mo pa 'yung manaka-nakang pag-hampas ng malakas na hanging mas lalo pang nagpapakaba sa akin. Takot kasi ako sa malakas na ulan.
May bagyo 'ata.
Gabi na, madilim na ang buong paligid at medyo madulas ang daan; nasa balikat pa man din kami bundok. Minabuti na naming huminto muna sa paglalakbay at magpalipas ng gabi dito sa kakahuyan—baka kung anong mangyari pa sa amin kung magpapatuloy pa kami.
"Nilagang patatas at mainit na kape para ngayong hapunan." Nakangiting sambit ni Je'il habang iniaabot sa akin ang mangkok na may lamang mainit-init at umuusok na pagkain.
Kaagad ko naman itong kinuha mula sa kanya at marahan kong ipinatong sa aking mga hita, mainit nga; buti na lang makapal-kapal 'tong tela ng pantalon ko.
"Maraming salamat." Sambit ko.
"Kain na tayo habang mainit pa ang pagkain." Sagot ni Je'il.
Nasa loob kami nitong munting kubong nakapatong sa itaas ng higanteng Morgul, medyo madilim rin ang loob nitong kubo at tanging ang lamparang nakapataong sa gitna nitong maliit na lamesita ang nagbibigay liwanag sa maliit na barong-barong na ito.
Tahimik ang kapaligiran, pwera na lang sa lagitik ng mga patak ng ulan na mabilis na hinahalikan ang ngayon ay maputik na daan. Buti na nga lang hindi tumutulo 'yung bubungan nitong kubo eh—kung hindi maiinis ako.
Sinimulan ko ng hipan ang mainit-init at umuusok na nilalagang papatas na niluto ni Je'il, nakaupo ako ngayon sa papag at manaka-nakang pinagmamasdan ang madilim na paligid mula sa bintana.
Isa lang ang papag nitong kubo at para lamang ito sa isang tao, mabuti na lang talaga at may baong duyan itong si Je'il na isinabit niya sa dalawang poste na sabitan ng mga kasangkapang pangkusina nitong kubo at siyang ginawa n'yang tulugan. Hindi kasi mahilig matulog sa papag itong Je'il, bukod daw kasi sa maingay dahil sa langitngit nito sa tuwing ipapaling niya ang kanyang katawan eh pinananaktan daw siya ng likod sa umaga.
Mabuti na lang talaga. Ayoko kasi ng natutulog sa duyan—nahihilo ako.
Malakas pa rin talaga ang ulan, sana naman bukas wala na to...***
Natapos rin kaming kumain, at napuno na ng mainit na kape ang nilalamig naming mga sikmura. Medyo lumalalim na ang gabi at hindi pa rin matapos tapos ang ulan, bahagya lamang itong humina subalit dinig na dinig ko pa rin ang malakas na patak ng ulan sa labas.
Hindi ako makatulog.
"Gising ka pa?" Bulong ko habang dahan-dahan kong ipinapaling ang ulo ko direksyon ng duyan kung saan nakahiga si Je'il.
Pareho na kasi kaming nagsi-higa para matulog at magpahinga. Sabi ko nga kanina 'di ba, dito na kami sa kakahuyan muna magpapalipas ng gabi dahil nga malakas ang ulan at madulas ang daan.
"Hmm?" Ungol ni Je'il para ipaalam na gising pa rin siya katulad ko.
Marahan akong naupo mula sa aking pagkakahiga at sinindihan ang munting gasera gamit ang maliliit na batong kiniskis ko muna.
"Hindi ako makatulog." Sambit ko.
"Halata naman." Humahagikgik na sambit ni Je'il.

BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
PertualanganIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...