CHAPTER - XXXVI
"Kaya mo na bang tumayo?" Tanong sa akin ni Kheena. Tumango naman ako at hindi na nagsalita, habang marahan akong inaalalayan ni Kheena para makaupo sa sanggang pinaglalagian namin.
Mariin kong pinagmasdan si Kheena ng mabuti; at doon ko lamang napansin na parang hindi naman nalalayo ang itsura nito sa edad namin nina Kuya Gayle at Paolo. Maliit lamang siya, parang magkasing-tangkad lamang sila ni Marie; maputi ang balat, balingkinitan ang pangangatawan, kulay brown ang mga mata, matambok ang kanyang mamulamulang mga pisngi, katamtaman lamang ang laki ng ilong at bahagya ang pagkakapal ng mamula-mula nitong mga labi.
Sa hindi naman maipaliwanag na pangyayari ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko, dahan-dahan ko itong naramdaman at napansin habang patuloy ko pa ring pinagmamasdan si Kheena na nang mga oras na 'yon ay nakatuon naman ang paningin sa komosyong ginawa ng Ungo sa ibaba.
"Huh?"
Mabilis ko namang ibinaling ang tingin ko sa ibaba, nakaramdam ako ng bahagyang pagkahiya.
"Ano bang nangyayari sa'kin?" Bulong ko sa sarili.
Maya-maya'y muli ko na namang sinulyapan si Kheena na mabilis namang napalingon sa akin, kaya naman mabilis kong inilayo ang paningin ko sa kanya.
"May problema ba?" Tanong niya.
"Prob--wala! Tinitignan ko lang kung ayos lang ba 'yung mga kasamahan ko sa ibaba." Mabilis kong tugon, nanatiling nakatuon ang mga mata ko sa maalikabok na senaryo sa ibaba.
Ang totoo n'yan, alam ko namang walang nangyari kina Tatang at sa mga pinsan ko; malalakas sila. Hindi ko lang talaga alam ang dahilan kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na balik-balikan ng tingin itong si Kheena.
"Wala namang nangyari sa kanila, maliban nalang doon sa batang Baylan na nahagip ng Ungo. Sa lakas ng pagkakahampas sa kanya ng Ungo at sa lakas ng pagkakatilapon niya doon sa puno, ay siguradong durog-durog na ang mga buto n'ya." Mahinahong sambit ni Kheena.
Nilingon kong muli si Kheena, subalit sa pagkakataong ito ay nakakunot ang noo ko at bakas sa aking mukha ang pag-aalala.
"Si kuya Gayle?" Tanong ko.
Bigla kong naalala si kuya, nawalan siya ng malay matapos niyang tanggapin ang malakas at hindi inaasahang pag-atake ng Ungo; tumilapon siya at humampas sa malaking puno ng Balete.
Sinubukan kong tumalon pabalik sa lupa, subalit pinigilan ako ni Kheena.
"Kailangan kong iligtas ang pinsan ko!" Mungkahi ko. "Baka ano ng nangyari sa kanya!" Dagdag ko.
"Huminahon ka," Sagot naman ni Kheena. "Natitiyak ko namang nasa maayos na kalagayan ang pinsan mo, at hindi mainam kung bababa ka kaagad dito habang nariyan pa sa ibaba ang Ungo." Mungkahi niya.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
AbenteuerIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...