XXXVIII - Sama-samang lakas

1.9K 105 40
                                        

CHAPTER - XXXVIII




Palinga-linga akong pinagmamasdan ang buong paligid habang naglalakad ang pangkat namin dito sa loob ng bulkan. Wala akong ibang makita kung hindi ang umuusok na lupa, naglalakihang mga bato at ang mamula-mula na at nagliliyab na lava.


Nakakatuwang isipin na kahit nandito na kami sa loob ng bulkan, eh hindi naman kami nakakaramdam ng nakakapasong init—-pinagpapawisan lang kami, oo. Pero wala kaming nararamdamang hapdi sa mga balat namin.


"Teka." Biglaan kong bulalas ng may kakaiba akong napansin. "Nasaan si Batluni?" Tanong ko.


"Hmm?" Nilingon naman ako ni Je'il. "Ngayon mo lang ba napansin na kanina pa s'ya wala?" Ibinaling niyang muli ang kanyang paningin sa daan.


"Magtatanong ba ako kung napansin ko?" Pabulong akong suminghal. "Ibuhol ko 'yang buntot mo sa leeg mo e." Padagdag kong bulong.


Inisip kong mabuti kung saan ko ba huling nakita si Batluni, pero kahit anong piga ko sa utak ko eh bumabalik pa rin ako sa lugar kung saan kami inatake ng Ungo. Doon ko lang talaga huling nakita si Batluni, pagkatapos no'n—-hindi ko na alam.


Napakarami ko kasing iniisip eh; ang kalagayan ni kuya Gayle kanina, tapos si Kheena na bigla na lang nawala, hindi ko na nga alam kung nasaan na 'yun eh.


"Tatang." Sambit kong muli.


Kaagad naman akong nilingon ni Tatang at mabilis na nagsalita na tila ba alam na alam na niya ang gusto kong itanong.


"Inutusan ko si Batluni na magmanman at bantayan ang paligid, simula pa noong nagapi at naging abo ang halimaw na Ungo kanina." Dahan-dahan akong nilingon ni Tatang habang sinasabi niya ang mga ito. "Huwag kang mag-alala, kasama pa rin natin s'ya... Nagtatago lang at nagmamasid-masid sa paligid." Dagdag nito.


Kumunot naman ang noo ko sa mga sinabi ni Tatang. Kasama namin si Batluni? Eh bakit parang hindi ko naman s'ya maramdaman? Ni wala nga akong nakikita kahit anino n'ya eh!


"Isa sa mga katangian ng mga Talimao ang magkubli sa paligid ng walang sinuman ang nakakaramdam o nakakapansin, magaling sila pagdating sa bagay na ito. Tahimik at walang iniiwang mga bakas, kahit na mabilis ang kanilang mga galaw, mainam na mainam ang katangian nilang ito lalo na sa pangangaso. Isa ito sa mga katangian ng mga Talimao na pilit na ginagaya naming mga Orano." Sambit ni Je'il, nakapatong sa kanyang ulo ang mabalahibo nitong mga kamay.


"Parang ninja?" Bulong ko.


"Parang ganoon na nga." Sabat naman ni kuya Gayle. Dahan-dahan naman akong tumango upang ipakita ang aking pagsang-ayon.


Hindi na muli ako nagtanong at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Lalong naging madalas ang paglingon-lingon ko sa paligid, inaabangan ko kasi na baka mahuli ko si Batluni na sumusunod sa amin.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon