CHAPTER - XLI
"Nasaan na 'yung sasakyan natin?"
Noong hapon ding iyon, ilang minuto bago lumubog ang araw; ay nagtipon-tipon kami nina Tatang, Jotaro, Je'il, Batluni, Geret, Marie at ang mga pinsan kong sina kuya Gayle at Paolo sa aplaya ng nayon ng Eringkil.
Halos mamuti na ang mga mata ko kakatigin sa malawak na kalangitan habang hinihintay ang sinasabing sasakyang panghimpapawid na gagamitin namin sa pagpunta sa Riasotera, ewan ko ba kay tatang. Mukhang jino-joke-only lang 'ata ako nito eh.
"Maghintay ka lamang bata," Sambit sa akin ni Tatang. "Bakit ba parang nagmamadali ka?" Tanong nito sa'kin.
"Eh..." Sagot ko naman. "Syempre, nasasabik na akong magpunta sa kaharian ng mga Engkantado eh. Buti pa nga 'tong mga pinsan ko nakapunta na—-ako lang 'tong hindi." Dagdag ko.
"Napahiwalay ka kasi..." Sabat naman ni Batluni.
"At kasalanan mo 'yon! Inutusan mo pa ako eh." Natawa ako ng bahagya. "Kaya sa susunod, 'wag mo na akong utusan para hindi na naman ako mapahiwalay." Dagdag ko.
Hindi ko naman napansin ang ginawang pagsapok sa akin ni Jotaro. Napaupo ako at napayuko habang hinihimas ang nanankit kong bumbunan.
"Nagbibiro lang eh." Nakasimangot kong daing.
"Hehe." Nakangising saad ni Jotaro.
Hindi na ako nagsalita, ayoko ng magreklamo. Dahil base sa mga mata ni Jotaro ay nakikita kong may masama na naman itong balak sa akin.
"Oh, nariyan na pala ang hinihintay natin."
Mula mapula-pulang kalangitan ay napansin ko ang isang maliit na bagay na animoy papalapit sa amin. Malaki ito at may malalapad na layag, yari ito sa kahoy at may mga naglalakihang elisi. Isa itong lumilipad na barko, ang barkong minsan ay sinakyan na namin nina kuya Gayle at Paolo noong gabing tumakas kami mula sa mga Undin, sa nayon ng Bakokoy.
Ang barkong panghimpapawid na pagmamay-ari ng dwendeng si Mang Erting, at ang anak nitong si Lerting.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagngiti habang pinagmamasdan ang papalapit na barko, lalo pang nagningning ang mga mata ko ng dahan-dahan itong lumapag sa karagatan at marahang dumaong sa may aplayang kinatatayuan namin.
Pinagmasdan kong maigi ang buong barko; wala pa ring ipinagbago ang itsura nito, luma subalit matikas pa ring pagmasdan ang antigong barkong panghimpapawid na ito. Napakaganda talaga.
Bigla naman akong natigilan ng marinig ko ang ilang mga yabag ng paa na nagmumula sa kubyerta ng barko, tumingala ako at naghintay. Isang maliit na dwende ang sumilip mula sa itaas, kulot at makapal ang mga buhok nito, mataba ang mga pisngi at may bilugang ilong; nagtama ang mga paningin namin at manaka-naka'y binati ako nito ng isang ngiti.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
PrzygodoweIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...