XXXVII - Lagusan

2K 105 27
                                        

CHAPTER - XXXVII




Takang-taka man at halos hindi malaman ang dahilan ng biglaang pagkawala ng Saserdoteng si Kheena, ay nagpatuloy na muli kami sa paglalakad. Tahimik naming sinusuyod nina Tatang, Paolo, Marie, Je'il at kuya Gayle; na nang mga oras na 'yon ay karga-karga pa rin ni Je'il, ang tahimik, madilim at masukal na kagubatan ng Eringkil.


"Sinasabi ko sa inyo, may babaeng nagligtas sa akin kanina!" Bulalas ko kay Paolo.


"Baka naman gutom ka lang, kaya kung ano-ano na lang ang mga nakikita mo." Humagikgik si Je'il. "Oh, may batis pala--magpahinga na muna tayo, medyo mabigat na rin 'tong pinsan mo Kelvin." Dagdag niya.


Napadpad kami sa isang mahaba, subalit makipot na batis. Napapalibutan ito ng mga sari-saring mga halamang tulad ng saging, niyog, duhat, kaimito at ilan pang mga punong kahoy na may makakapal na dahon na siya namang nagpalilim at nagpadilim sa parteng ito ng kakahuyan.


Hindi na gaanong makapal ang hamog dito subalit malamig pa rin. Kakaunti lamang ang tubig na dumadaloy sa mababaw na batis kaya naman lalo akong nanlambot: kanina ko pa kasi gustong uminom, at sa lagay ng batis na 'to; baka putik lang ang mainom ko.


"Ah, mabuti pa nga. Para naman magamot natin ang mga natamong pinsala ni Gayle," Mungkahi ni Tatang, habang inaalalayan si Je'il sa pagbababa kay kuya, inihiga nila ito sa ilalim ng puno ng saging. "Paolo--" Tawag ni Tatang.


Mabilis namang tumalima at tumakbo sa kanila si Paolo, tinignan lamang siya ni Tatang at tinungo ang nakahiga at natutulog na si kuya Gayle; itinapat nito sa kanya ang nakabukas na palad ni Paolo na daglian namang naglabas ng kulay luntiang liwanag.


"Hindi ito magiging sapat para tuluyang maghilom ang mga pinsalang natamo ni Gayle," Ani Tatang. "Subalit sapat na itong panggagamot ni Paolo, para maibsan ang sakit na nararamdaman ng pinsan n'yo." Dagdag niya.


Hindi na ako sumagot. Wala rin naman akong maitutulong, kaya mas minabuti ko na lamang na manahimik habang pinapanood si Paolo sa panggagamot kay kuya.


Sakto namang may narinig akong kaunting kaluskos mula sa mga damong nakapaligid sa amin, kaya mabilis akong napalingon; mabilis kong hinawahan ang espadang kahoy at alertong nagmasid at nakiramdam sa paligid.


Natuon ang panignin namin sa makapal na damuhang matatagpuan sa may hindi kalayuan, napansin ko kasing may kumaluskos.


Mariin kong pinagmasdan ang direksyon na pinagmulan ng kaluskos, dahan-dahan ko ng hinuhugot mula sa upak ang espadang kahoy at naghahanda para sa isang pag-atake.


Ng biglang--


"Edong! 'Wag kang masyadong magmadali at hintayin mo ako!"


"Kailangan nating makabalik sa kaharian ng mga dwende, lumalalim na ang gabi Bebeng."

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon