XIX - Si Isko

2.1K 115 37
                                    

CHAPTER XIX

Natulog kami sa maliit na bahay-tulugang katabi lamang ng bahay-inumang pinuntahan namin nina Tatang at Je'il kagabi. Umaga na, nagsisimula ng uminit ang sinag ng araw na kanina pa nakadampi sa aking pisngi.


"Gising na, aba!" Dinig kong sambit ng isang pamilyar na boses habang tinatapik ang talampakan kong nakakumot. "Anong meron at hindi ka nagising ng maaga ngayon?" Dagdag nitong muli.


Si Je'il 'yon.


"Sandale." Ungol ko habang nakapikit kong kinakapa ang unan na sana ay ipangtatakip ko sa mukha ko. "Five minutes pa." Dagdag ko.


"Ano? Anong paybminish?" Tanong ni Je'il.


"Tatayo rin ako--Aray!" Napaiktad ako sa sakit. May kung anong pumukpok sa tuhod ko.


"Hanggang ngayon ba naman ay dala-dala mo pa rin 'yang pagka-batugan mo, bata?" Sermon sa akin ng isang napaka-pamilyar na boses.


Si Tatang Lucas.


Nakasimangot at nagkakamot akong bumangon sa kamang hinihigaan ko, inaantok pa kasi ako eh--ikaw ba naman, halos madaling araw na kami nung nakauwi tapos binitbit ko pa si Je'il dahil lasing na lasing at panay ang pagkanta n'ya sa daan. Nakakabulahaw ng mga taong tulog. Nakakahiya.


"Puyat lang po Tatang." Sagot ko. Dali-daling iniligpit ko ng maayos ang pinaghigaan ko at dumiretso sa silyang nasa tabi lamang ng bintana. "Anong oras na ba?" Tanong ko.


"Alas-syete." Sagot ni Je'il.


Susme. Aga pa. Gusto ko pang matulog.


"Magkape ka na muna, pagkatapos ay mag-ayos ka. Sa labas ka na lang kumain ng almusal, kumain na kami ni Je'il kanina pa." Sambit ni Tatang habang iniaabot sa akin ang isang tasa ng mainit at umuusok na kape.


"Maraming salamat po--teka, sa labas ako mag-aalmusal? Lalabas tayo?" Tanong ko.


"Nakalimutan mo na ba kung bakit tayo narito?" Sagot ni Je'il.


Biglang pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit kami naririto, masyado akong puyat at inaantok kaya medyo lutang 'tong utak ko. Naalala ko na lahat, ang misyon tungkol sa baluti, ang papremyo ni Timar. Lahat.


Humigop lamang ako ng kaunting kape, pagkatapos ay dali-dali kong isinuot ang tsinelas kong nasa ilalim lamang ng kama, nag-ayos ng buhok gamit ang mga daliri ko at naghilamos ng mukha gamit ang bimpong binasa ko ng tubig.


"Tara na." Saad ko.


Hindi naman nagsalita sina Je'il at Tatang na kaagad namang naglakad papalabas nitong silid. Sumunod na ako.


Nakaugalian ko ng 'wag magaksaya ng oras lalo na tuwing nasa misyon ako, sinanay kasi ako ni Jotaro at ng buong tribo. Wala daw mangyayari kung magpapatumpik-tumpik pa ako, kung gusto ko daw na matapos kaagad ang misyong ibinigay sa akin, dapat 'wag daw akong papatay-patay.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon