LIX - Ang ikaanim

1.6K 101 13
                                    

CHAPTER - LIX


Batonakwan [Kasalukuyan]

[Third Person's POV]
-------------------------------------

"Tumahimik ka!" Sigaw ni Jotaro habang mabilis itong tumatakbo patungo sa isang matandang lalaki. Nakaamba ang kamao nitong suot-suot ang matalim na patos.

Subalit nabigo namang tamaan ni Jotaro ang matanda, dahil daglian itong nawala bago pa man kumonekta ang kamao nito sa mukha ng matandang hindi man lang nagpakita ng pagkabahala.

Nagpalinga-linga si Jotaro sa paligid, hanggang sa tumingala ito sa mga nagtataasang mga punong nakapaligid sa kanilang apat nina Lucas, Acacia at Geret. Mula sa isa sa mga sanga ay nakita niyang naka-upo at nakatingin sa kanila ang matandang lalaki.

Payat at kulubot ang balat ng matandang lalaki. Mahaba ang puti at makapal nitong balbas at bigote, habang panot at nakakalbo naman ang noo at bumbunan nito. Nakasuot ito ng itim na balabal kung saan makikitang nakapasok ang mga kamay nito sa dalawang malalalim na bulsa nitong balabal.

"Yuk, yuk." Hagikgik ng matanda. "Ito na ba ang lakas ng hari ng mga Talimao? Ni hindi man lang ako nahagip—"

"Tumahimik ka—!" Bulalas ni Jotaro, na muli na namang tumalon at iniamba ang kanyang kamao sa direksyon ng matandang lalaki. Sinimulan na niyang ipunin sa kanyang kamao ang kapangyarihang nananalaytay sa kanyang katawan.

"Eh?" Ngiti ng matanda.

Pinagmasdang mabuti ng matanda ang bumubulusok at nagngangalit na Talimao, subalit hindi man lamang ito nagpakita ng pagkabahala; bagkus ay inilahad pa nito ang nakabukas niyang palad at mula roo'y unti-unti niyang pinalitaw ang isang itim na bolang apoy na dahan-dahan namang lumalaki.

Nanlaki naman ang mata ni Jotaro nang makita ang ginawang iyon ng matandang lalaki, subalit hindi na niya magawa pang huminto. Mabilis ang pagragasa niya patungo sa matandang lalaki at wala na s'yang ibang magawa kung hindi ang gamitin ang kanyang mga braso upang depensahan ang sarili mula sa nakaambang pag-atake ng matanda.

Pinakawalan ng matanda ang itim na bolang apoy.

"Jotaro!" Sabay na sigaw nina Acacia at Geret.

Subalit masyadong mabilis ang mga pangyayari, at sumunod na nga ang pagsalubong ni Jotaro sa nagbabaga at itim na bolang apoy. Kitang-kita at nasaksihan ito ng mga gulat na gulat na kasamahan ng Talimao.

Nanlaki ang mga mata nila't halos hindi makapaniwala, sinundan pa ito ng malakas na pagsabog at pagliwanag ng paligid na sinabayan pa ng mabilis na pagpagaspas ng malakas na hangin. Pinuno ng makapal na usok at alikabok ang masukal at mahamog na kakahuyang kinatatayuan ng pangkat ng Talimao na si Jotaro.

At lahat sila'y gulat na gulat—

Silang lahat ay nasindak sa malakas na pag-atakeng pinakawalang ng matandang lalaki. Ganoon na rin ang lubos nilang pagkagulat at pag-aalala sa kung ano ba ang naging kinahinatnan ni Jotaro, matapos niyang salubungin ang itim na bolang apoy.

Walang ibang nagawa ang reyna ng Arentis, kung hindi ang mapayakap na lamang sa Baylan na si Lucas.

"Iyon lang ba ang kaya mong gawin?"

Gumuhit naman ang ngiti sa labi ni Acacia nang marinig niya ang boses na 'yon. Dali-dali nitong nilingon ang direksyon na pinagmumulan ng boses, makapal pa rin ang usok at alikabok sa paligid; subalit ng unti-unti itong numipis at tuluyan ng maglaho'y ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ng munting reyna.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon