XL - Alteria

1.8K 105 25
                                    

CHAPTER - XL



[Story Filler]

[Third Person's POV]

❅❅❅❅❅❅❅❅❅❅


Sa isang liblib na nayon na matatagpuan sa isang maliit na isla, sa bandang hilaga ng karagatan ng Arentis, may ilang milya ang layo mula sa Eringkil ay matatagpuan ang isang lumang Templo.


Ang Templo ni Alteria.


Si Alteria ang diyosang pinaniniwalaan ng mga Mongheng minsan ng namuhay sa mundo ng Arentis. Minsan—-oo, dahil wala ng mga Monghe ngayon. Nababangit na lamang sila at madalas na nakikita sa mga nagkakapalang libro ng alamat.


Ang mga Monghe ay mga pangkat ng mga taong nananalig sa kapangyarihan at mga aral ni Alteria, sinasabing nasasasaad sa kanilang banal na eskribo ang mga utos at engkantasyon na tanging ang diyosa lamang ang nakaaalam.


Sinasabi ring sa mga Monghe ipinamana ng diyosa ang eskribong ito, upang magamit ng mga susunod pang henerasyon ng mga Monghe sa paglipas ng panahon. Pinaniniwalaang nakasaad sa banal na eskribo ang mga uri ng mahikang nakapagpapagaling, mga uri ng mahikang kayang paamuhin kahit na ang pinakamasamang nilalang; puting mahika—-o mas kilala sa tawag na mahika blanka.


Magkaganoon ma'y nakasaad rin sa banal na eskribo ang ilang mga mapaminsalang mahika, na madalas nama'y ginagamit lamang ng mga Monghe upang protektahan ang kanilang mga sarili, lalong lalo na sa mga taong nais nakawin mula sa kanila ang banal na eskribo.


Subalit, pinaniniwalaan mang malakas ay hindi naman nakikihalubilo ang mga Monghe sa mga tao. Madalang lamang silang makikitang laman ng mga mataong kalsada, kalimitan ay ginugugol lamang nila ang kanilang oras at maghapon sa pagdarasal at pag-eensayo. Hindi naman sa ayaw nila sa mga tao, kung hindi—-pinoprotektahan lamang nila ang banal na eskribo.


Ito ang dahilan kung bakit nanatili silang nakakubli at tahimik na namumuhay sa templo ng diyosang si Alteria, sa isang malayong isla—-sa gitna ng karagatan, sa lugar kung saan walang iba tao kung hindi sila lamang.


At ang mga iniingatan nilang mga Saserdote.


Kada sampung taon ay naglilibot sa buong Arentis ang mga Monghe, ginagawa nila ito upang maghikayat ng mga kabataan upang sumali sa kanila, mga kabataang sasanayin nila at tuturuan ng mga aral at engkastasyong mula sa banal na eskribo, hanggang sa dumating sila sa tamang edad at pumalit sa kanila bilang mga Monghe.


Sila ang mga Saserdote.


Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng isang digmaan; isang digmaang kinabibilangan ng tatlong kahariang naglalaban-laban para sa kapangyarihan—-kapangyarihan upang pamunuan ang buong Arentis. Maraming mga inosente ang nadamay sa digmaan.


Kasama na dito ang mga Monghe.


Ang sabi sa alamat, nilusob daw ng kaharian ng mga Engkantado ang munting isla ng mga Monghe; at pakay nilang kunin mula sa kanila ang banal na eskribo, upang pag-aralan ang mga nakasaad dito at magamit ang mga engkantasyong nakapaloob dito sa digmaan.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon