CHAPTER - VI
"Madali, ngunit nangangailangan ng matinding konsentrasyon ang estilong ituturo ko sa'yo ngayong araw bata." Sambit ni Jotaro habang nakatayo ito sa aking harapan at dahan-dahang binebendahan ang kanyang mga braso-wala naman s'yang pilay, ganoon lamang talaga s'yang manamit. Sa tabi n'ya ay si Je'il na hawak-hawak na naman ang isang piling ng saging sa kanyang braso.
In fairness ah, ang aga ni pinuno ngayon. Pero gaya ng nakasanayan, nauna naman ako ng ilamg minuto.
"Ang mabuti pa Kelvin, eh ihanda mo ng husto iyang katawan mo-siguradong mananakit ang katawan mo sa oras na simulan natin ang pagsasanay." Sambit ni Je'il na namumukol ang mga pisngi dahil sa saging.
"Ano po ba ang ipapagawa n'yo sa aking pageensayo?" Tanong ko habang sinisimulang paikutin ang mga braso at balikat ko para magpainit-madaling araw na kasi at medyo madilim, medyo malamig rin.
Umubo ng kaunti si Jotaro at nagwika. "Ituturo ko ngayon sa'yo ang sinaunang estilo ng mga Talimao sa pakikidigma, isang estilong kinalimutan at tila ba nawala na kasabay ng mga naglalaglagan talulot sa paglipas ng panahon..." Mungkahi ng pinuno.
"Eh... Ano nga pong tawag sa estilong 'yan?" Tanong ko ulit.
"Sayonatsi." Pabirong bulong ni Je'il. PInigilan kong matawa.
Umubo na naman ng bahagya itong si Jotaro ng mapansin ang pagpipigil namin ni Je'il sa pag-tawa. Nanahimik kami.
"Walang partikular na ngalan o bansag ang estilong ito, sa kadahilanang madalas naman itong ginagamit ng mga sinaunang Talimao, lalo na noong panahon ng digmaan sa pagitan ng mga kaharian dito sa Arentis. Noong natapos na ang digmaan, at naging payapa na ang buong kaharian, ay siya namang paglimot ng mga Talimao sa estilong ito..." Sambit ni Jotaro.
Dahan-dahang umangat ang dibdib nito habang humihinga ito ng malalim, matagal at tila ba napakaraming hangin ang iniipon ng pinuno sa kanyang mga baga. Ilang sandali pa ay mabilis niyang pinakawalan ang hanging inimpok niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sumunod na pangyayari.
Isang napakalakas na hangin ang mabilis na pinakawalan ni Jotaro mula sa kanyang bibig, parang may kung anong pwersa ang nagpasayaw sa mga damo sa direksyon kung saan ibinuga ni Jotaro ang hangin-mahina lamang ito, subalit kataka-takang pagmasdan.
Papaano n'ya nagawa 'yon?
"Hangin?" Sambit ko.
"Hinde. Pinakawalang ko lamang ang kaunting pwersang nananalaytay sa katawan ko. Konsentrasyon ang susi-matinding konsentrasyon." Mariin na sagot ni Jotaro.
"Eh, sa papaanong paraan ko po ba magagamit 'yan? Ang ibig kong sabihin... Para saan po 'yan?" Tanong ko naman ulit.
Subalit tumawa lamang ng kaunti ang pinuno. Napakamot naman ako ng ulo.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
AventuraIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...