CHAPTER - XXVIII
"NAYKUPOOOO!!!" Sigaw ko habang binibilisan ang bawat pag sipa at pag-langoy, nagawa ko naman--kaso bigla kong naramdaman ang pagod.
Dali-dali akong hinapo--ikaw ba naman 'yung lumangoy ng mabilis, isama mo pa 'yung mabigat na hampas ng alon at ang nerbyos na baka maabutan ako at gawing hapunan nitong dambuhala at nakakatakot na halimaw.
At kung mamalasin ka nga naman.
"Anak ng tupa--" Nangasim bigla ang mukha ko ng bigla kong naramdaman ang dagliang pananakit at paninigas ng kanang talampakan ko, dahan-dahan itong umaangat patungo sa alak-alakan ko.
Lalo akong nagpanic, ngayon pa'ko pinulikat. Naman oh!
"Salo!" Dinig kong sigaw ni Je'il mula sa barko.
Dali-daling lumapit sa akin ang mga lubid na nakapalupot sa kanyang bewang, mabilis ko itong inaabot at hinawakan, pagkatapos ay dahan-dahan na akong umangat mula sa dagat pabalik sa kubyerta ng barko, kung saan naroon sina Tatang, Jotaro at Je'il.
Mula sa pasamanong bakod ng kubyerta ay sinilip ko ang dambuhalang halimaw na muntik ng kumain sa akin, nasa dagat pa rin ito gaya ng dati subalit pinapaikutan nito ang buong barko na parang isang pating na naghihintay ng tamang pagkakataon para umatake.
Naka-upo ako sa sahig ng kubyera at nakasandal sa pasamano, diretsong nakaliyad ang kanang hita kong halos paiyakin ako sa patuloy na pamumulikat, hindi ko alam ang gagawin.
Hanggang sa--
"ARAAY!" Napasigaw ako sa sakit.
Isang malakas na sipa mula kay Jotaro ang mabilis niyang pinakawalan sa namumulikat kong hita, halos maiyak ako sa sakit--sinubukan kong pigilan, pero wala akong nagawa kung hindi ang humiyaw.
"Hindi ba kita tinuruang, 'wag magpadalos-dalos? Kasama mo ako--ako na pinuno mo, magdedesisyon ka ng basta-bata, binabastos mo na ba ako?"
Sandali akong hindi nakasagot dahil madali kong hinimas ang nananakit kong hita. "Eh..." Simula ko.
"Hindi ka talaga nag-iisip." Saad ni Jotaro.
"Ansakeet..." Pabulong akong dumaing habang hinihimas ang noon ay tila ba namamagang hita ko.
Maya-maya'y napansin kong lumapit sa akin si Je'il.
"Sa susunod kasi, 'wag kang basta-basta kung umaksyon ha? Mag-isip." Nakangisi nitong bulong sa akin. Narinig ko pa s'yang humagikgik at pagkatapos tumayo ito sa may unahang bahagi ng kubyerta upang muling pagmasdan ang lumiligid-ligid na halimaw.
"Ano, pinupulikat ka pa?!" Naiinis na tanong sa'kin ni Jotaro.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
AventuraIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...