CHAPTER - LI
"Uhm... Bukod sa liwanag," Bulalas ko para naman maging komportable 'yung ambiance namin dito sa kweba. Kanina pa kasi kami tahimik. "Ano pa bang nagagawa mo?" Tanong ko kay Kheena.
"Ako?"
"Hinde, ako—malamang ikaw, ikaw lang naman kausap ko." Ismid ko sa kanya. Natawa s'ya ng bahagya.
Pinaliwanag kasi ni Kheena 'yung dulo ng patpat niyang may maliliit na bells at balahibo ng ibon, sa gitna ng mga ito ay may isang parang pabilog na bakal at doon nagmumula ang liwanag; naging tanglaw namin ito habang sinusuyod namin 'tong madilim at malamig na kweba.
"Kapangyarihan lamang ng liwanag ang tanging kapangyarihang pinag-aaralan ng mga Saserdote," Simula niya. "Kapayapaan at katiwasayan ang simbolong ibinibigay ng liwanag, kapanatagan..." Dagdag niya.
Tumango naman ako. May point nga naman s'ya...
"Pero, maliban d'yan, sinanay rin ako ng ama kong si Ordul ng ilang mga kaalaman tungkol sa pakikipaglaban." Biglang kumabig naman 'tong si Kheena. "Para kung sakaling malagay ako sa masamang sitwasyon eh, maipagtatanggol ko ang sarili ko." Wika n'ya.
Napaisip naman ako sa sinabing 'yon ni Kheena. Pakikipaglaban? Para namang hindi na n'ya kailangan 'yun eh...
"Malakas naman 'yung kapangyarihan mo ah? Naalala ko 'yung ginawa mo sa Ungo—binura mo e." Papuri ko sa kanyan. "Ba't mo pa kailangang pag-aralan pa ang tungkol sa—" Naudlot ako sa pagsasalita.
"Mahirap isagawa ang estilong Novus, nangangailangan ito ng kaunting sandali bago mo pa maisagawa; may mga orasyon pa kong kailangang bigkasin at kailangan ko ng masinsinang konsentrasyon—matagal." Sagot ni Kheena. "Pagkatapos bigla na lang akong manghihina kapag naisagawa ko 'yung estilo, sa kadahilanang nakakaubos ng lakas ang kapangyarihan ng Novus." Mungkahi niya.
"Ah... Kaya siguro bigla ka nalang hinimatay noon 'no?" Bulalas ko. Naalala ko 'yung nangyari sa bulkang Grtion. "Mahirap nga. Pero teka—ano-ano naman 'yung mga nalalaman mo sa pakikipaglaban?" Tanong kong muli.
Subalit hindi naman siya sumagot, para naman akong tangang palingon-lingon sa kanya habang naglalakad kami kasi hinihintay ko 'yung sagot n'ya; pero ang ending wala.
Nice talking 'din pala 'to kung minsan eh. Bwiset.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Malayo-layo na rin ang nalalakad namin pero masasabi kong wala pa naman akong nararamdamang panganib sa paligid, pero hindi naging dahilan 'yon para magpaka-kampante—kanina ko pa nga hawak-hawak 'yung espadang kahoy ko eh, mahirap na.
Katulad ng ibang mga kwebang napasukan ko na dati, madilim at malamig ang kwebang ito; marami ring mga stactites at stalagmites sa paligid at masasabi ko ring medyo madulas ang mga bato rito—hindi ko nga alam kung bakit eh, pero basa at may kaunting tubig sa dinaraanan namin. Naisip ko tuloy na baka malapit lang kami sa sapa o ilog—pero wala akong marinig eh.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
AbenteuerIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...