CHAPTER - LIII
"Basta ipangako mo sa aking, gagamitin mo lang ito kapag wala ka na talagang mapagpipilian..."
Paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang bilin na iyon ni Jotaro sa akin. Aaminin kong nangako ako sa kanya noong mga panahon na 'yon na gagamitin ko lang ang estilong 'to sa oras na maipit ako sa labanan at 'yung tipong wala na talaga akong option na mapipili...
Sa pagkakataong 'to, mukhang ito na 'yung tinutukoy kong wala na akong option.
"Ipangako mong—"
Mabilis akong napadura sa lupang kinatatayuan ko at marahan akong nagpailing-iling. Pinagmasdan kong muli ang dalawang Minukawa; ang lalaking Minukawa ay nasa ere pa rin at mariing nakatingin sa amin habang ang babaeng Minukawa nama'y nakangising naglalakad ng marahan papalapit sa akin.
Lumunok ako.
"Tch." Bumuntong hininga ako. "Bahala na."
Muli akong huminga ng malalim na sinabayan pa ng pagpikit ng aking mga mata, pinakiramdaman kong mabuti ang init ng enerhiyang nananalaylay sa dibdib ko. Ibinuga ko ang hanging inipon ko at muli na namang huminga ng malalim.
Marahan kong tiniklop ang mga palad ko, marahan ko ring itinupi ng bahagya ang mga binti ko at panandaliang yumuko. Pinakiramdaman kong muli ang maigting na pag-init ng enerhiyang nananalaytay sa buo kong katawan at marahan iyong inipon sa dibdib ko.
Nakaramdam ako ng kakaibang init. Para akong lalagnatin. Parang sinusunog ng enerhiyang 'to ang buong katawan ko, naramdaman ko rin ang marahang pagtigas ng mga kalamnan at kasu-kasuan ko.
Lalo na ang mga binti at braso ko.
Huminga ulit ako ng malalim, sa pagkakataong ito'y nararamdaman ko na dumoble ang init ng bawat hiningang binubuga ko, kasing init ng usok na nagmumula sa bagong kulong tubig. Huminga ulit ako ng malalim...
"Kagaya ng Orka, may kakayanan rin ang Arkis na palakasin at pabilisin ka—'yun nga lang: paniguradong uubusin ng estilong ito ang lahat ng enerhiyang nananalaytay sa buo mong katawan, makakaramdam ka ng lubos na panghihina. Magagawa mo mang manatili sa iyong katinuan na kasalungat naman ng erstilong Orka, subalit sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang mga mangyayari sa oras na humupa na ang epekto ng estilo. Hindi ka man kasing lakas ng estilong Orka ang Arkis, subalit sisiguraduhin kong makakaramdam ka ng ibayong pagabago sa iyong lakas..."
Huminga muli ako ng malalim at lalong nag-init ang buo kong katawan, naramdaman ko na rin na para bang may usok na lumalabas sa balat ko. Kakaiba ang init na 'to...
"Dahil ibibigay ng estilong ito sa'yo ang kabuuan ng iyong lakas, sa oras ipunin mo ito sa buo mong katawan. Kadalasang ginagamit naming mga Talimao ang aming kapangyarihan sa mga binti at braso namin, nagagawa na lang naming palakasin ang aming katawan buhat na rin sa araw-araw na pangangaso at pagsasanay—subalit hindi naman talaga namin nagagamit ng buong-buo ang kapangyarihan namin..."
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
AventuraIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...