CHAPTER - LVII
Ang sabi ni Lerting, aabutin daw ng halos isang araw bago pa namin marating ang kagubatan ng Batonakwan. Masyado daw malayo ang kagubatang iyon mula rito sa Natpo—kung tutuusin pa nga raw; mas mabilis na 'yon at maswerte na raw kami dahil lumilipad naman 'yung sinasakyan namin, kung nagkataong ordinaryong barko lang 'tong sinasakyan namin eh malamang aabutin kami ng isang linggo.
Naiinis man, wala naman akong nagawa. Mabilis naman 'tong barkong panghimpapawid nina Lerting, at bukod sa pag-aalala—wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang mag-hintay.
At hindi lang 'yon ang lalong nagpakunot sa noo ko, kung hindi ang katotohanang: hindi pa rin naman namin alam kung saan namin hahanapin sina Marie at Kheena, kung sakaling makarating kami sa Batonakwan.
At isa pa:
"Mapanganib ang kakahuyan ng Batonakwan." Simula ni Tatang habang sinisindihan ang kanyang pipa. "Mas mapanganib pa sa kagubatan ng Buruta. Ang kagubatang iyon ay pugad ng lahat ng mga masasamang elemento—" Dagdag niya na sinundan naman ng marahang pagbuga ng hinithit niyang usok."Masamang elemento?" Tanong ko.
"Mga Undin, Ungo, Tikbalang, Kapre, Higante, Bungisngis at iba pang mga engkantong lubos na kinatatakutan ng lahat ng mga tao sa Arentis—maging sa inyong daigdig." Sagot naman ni reyna Acacia.
Nasa silid kami ngayon sa ilalim na bahagi ng barko at masinsinang pinag-uusapan ang mga hakbang na gagawin namin sa oras na marating namin ang kakahuyan ng Batonakwan, nagpaplano kami. Pero magkaganoon man; aminado at sigurado naman kaming walang kasiguraduhan na magiging matagumpay ang mga hakbang na 'to laban kay Minukawa.
Lahat kami—lalo na kaming magpipinsan; aminado kami na wala kaming laban kay Minukawa.
Pero bahala na, sa ngayon wala akong ibang iniisip kung hindi ang kaligtasan ng nina Kheena at Marie...
"So—" Simula ni kuya Gayle. "Hindi magiging madali ang paghahanap natin kina Marie at Kheena, hindi rin magiging madali ang paghahanap natin sa ikaanim na anino sa Batonakwan—"
"Ganoon na nga—" Sabat naman ni Paolo. "Hindi rin natin sigurado—tayong tatlo nina kuya Kelvs, kung makakayanan ba natin ang lakas ng mga engkanto roon." Kinuha niya mula sa kanyang balabal ang isang luma at makapal na libro. "Marami na akong nabasa tungkol sa mga engkantong nagsilipana dito sa Arentis... At aaminin kong nakakatakot ang ilan sa kanila."
Mabilis niyang binuksan ang makapal na libro at dali-daling inilipat ang mga pahina nito na tila ba may hinahanap itong paksa. Saglit na huminto si Paolo at marahang ipinakita sa amin ang tekstong nakasulat sa pahinang inilalahad niya sa amin.
Pinagmasdan ko 'yong mabuti at tahimik na binasa:
Batonakwan: ang sinumpang isla
May mga ilang larawan ng kakaibang nilalang at halimaw ang nakaguhit sa pahinang iyon, 'yung iba alam ko—'yung karamihan ngayon ko palang nakita. May mga larawan ng Sigbin, Kapre, Tikbalang at ilang mga engkatong madalas kong naririnig at napapanood sa tv tuwing mahal na araw at undas—na aaminin ko pa ring nakakapagpatakot sa akin hanggang ngayon.
"Pero..." Simula ko habang iniaabot pabalik ang makapal na libro kay Paolo. "May magagawa naman tayo hindi ba?" Tanong ko, pinagmasdan ko ng maigi sina Tatang at ang iba pa naming mga kasama dito sa loob ng silid.
Nang mga oras na 'yon ay tumayo naman si Jotaro."Mayroon naman." Simula niya. "Subalit walang nakakaalam sa atin kung gaano ba karami ang mga nilalang at halimaw na naroon sa Batonakwan, ni ako o kahit sino man sa amin nina Acacia at Lucas ay hindi pa nakarating sa sinumpang kagubatang iyon—at hindi rin kami nagtangka..." Mungkahi niya.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
مغامرةIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...