XXI - Ad Mortem

2.1K 119 29
                                    

CHAPTER - XXI

Natpo [Kagabi]

[Third Person's POV]

--------------


Dali-daling bumaba ang lalaki mula sa puno ng acacia at mabilis na pinuntahan ang gulat na gulat na sina Gayle, Paolo at Marie. Nakakunot ang noo nitong pinagmamasdan ang walang buhay na lobo na nakahalandusay sa lupa.


"Anong ginawa ninyo? Sino kayo?" Humihingal na tanong nito.


Nagtaka ang mga bata sa naging reaksyon ng lalaki sa kanila.


"Inatake n'ya kami, wala kaming ibang magagawa kung hindi ang ipagtanggol ang sarili namin." Bulalas ni Gayle sa lalaki. "Teka, sino po ba kayo?" Dagdag nito.


Subalit hindi nagsalita ang lalaki, bagkus ay nanlaki lamang ang mga mata nito habang pinagmamasdang mabuti ang walang buhay na Lobo. Bumuntong hininga ito ay napailing, binalingan nito ng tingin ang mga bata at napansin ang isang sagisag na nakaburda sa manggas ng kanilang kasuotan.


Napa-urong ito ng bahagya sa gulat, pinagmasdan niyang maigi ang burda: isa itong napakapamilyar na sagisag, isang malaking puno ng balete na maraming sanga at mayroong munting araw sa itaas.


"Galing kayo sa Riasotera?" Gulat na gulat na tanong nito.


Tumango naman ang tatlong bata. Kumunot ang mga noo nila sa naging reaksyon ng lalaki.


"Kayo po ba si Isko?" Tanong ni Paolo.


Nagulat muli ang lalaki, subalit panandalian lamang. Ang gulat na gulat na mukha nito ay dagliang naging seryoso. Bumuntong hininga ito.


"Kung gayon ay nagsimula na..." Bigkas ng lalaki. "Sumunod kayo sa akin, madali." Utos nito at dali-dali itong tumakbo pabalik sa kubo na nakatayo sa itaas ng puno ng acacia.


Nagtinginang muli sina Marie, Gayle at Paolo. Kitang kita sa mga mukha nila ang pagtataka. Sino nga ba ang lalaking 'to? Siya nga kaya si Isko?


Dali-dali nilang sinundan ang lalaki.


***


Natpo [Takipsilim. Sa Arkantarilya]

[Kelvin's POV]

------------------------


"Tulungan n'yo kami! Nagmamakaawa kami sa inyo! Ilayo n'yo kami sa lugar na ito!" Samo ng batang Alan sa amin.


"Ayaw na namin dito... Parang awa n'yo na!" Dagdag naman ng humihikbing batang Alan.


Palakas ng palakas ang mga yabag ng paang naririnig namin, alam naming may paparating at ramdam namin na papalapit na ito...


Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon