LII - Arkis

1.7K 97 44
                                    

CHAPTER - LII



Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang mataman kong pinagmamasdan ang papalapit na bolang apoy na pinakawalan ng babaeng Minukawa. Napagtanto kong hindi imposibleng isa ito sa mga anino ni Minukawa na sinabi sa amin nina Tatang, Jotaro at Acacia.


Pero kung dalawa sila... Ano ang ibig sabihin no'n? Dalawa ang anino ni Minukawang narito? O isa sa kanila ang totoong MInukawa?


Tsaka, nasaan na 'yung isa?


"Katapusan n'yo ng lahat!" Sigaw ng babaeng Minukawa na sinabayan pa ng paghalakhak habang pinapanood ang unti-unting paglapit sa amin ng ngayon ay dambuhala ng bolang apoy.


Hindi ko na nagawang makapag-isip pa, mabilis kong iwinasiwas ang espadang kahoy at pinakawalan ang enerhiyang inipon ko rito, dahilan para kumaripas ang luntiang liwanag na mabilis namang tinungo ang nagngangalit sa init na bolang apoy.


Pero ang inakala kong makakayanang pigilan ng pinakawalan kong enerhiya ang bolang apoy ng babaeng Minukawa ay isang pagkakamali.


Isang malaking pagkakamali.


Dahil imbes na pigilan nito ang papalapit na bolang apoy ay kinain lamang ito ng bolang apoy, inaborb—at ginamit upang mas lalo pang pag-igtingin ang init nito. Nagulat ako sa mga nangyari; sa sobrang gulat eh hindi ko napigilang manlaki ang mga mata ko.


Lagot.


Takot na takot kong pinagmasdan ang unti-unting paglapit ng bolang apoy, humihingal ako't damang-dama ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumayo—napansin ko na lang ang mahigpit na pagkapit sa akin nina Marie at Kheena.


Wala akong nagawa kung hindi ang mapapikit at magdasal na sana eh may mangyaring himala.


Lagot na talaga kami nito...


"Katapusan n'yo n—HUH?!" Naudlot sa pagsasalita ang babaeng Minukawa sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kaya mabilis kong binuksan ang mga mata ko para makita kung ano ba ang nangyari.


Kaagad kong napansin si Paolo na nakatayo sa harapan namin at matapang na hinarap ang napakalaking bolang apoy, nakasuot siya ng baluting kahawig ng sa bahay ng pagong at malapad na nakabukas ang kanyang mga palad na tila ba handang-handa na nitong salubingin ang papalapit na delubyo.


"Paolo—!" Sigaw ko.


Subalit hindi naman ako nilingon ni Paolo, bagkus ay buong lakas niyang pinigilan ang dambuhalang bolang apoy sa pamamagitan ng pag-yakap dito at tila ba'y pinipigilan niya ito sa paglapat sa lupa.


"Hmm... Nagawa mo ngang pigilan ang bolang apoy!" Bulalas ng babaeng Minukawa. "Subalit, balewala rin—dahil ilang sandali nalang ay sasabog din 'yan! Hahaha!" Halakhak niya.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon