XLIV - Orka [Ang pitong Anino (1)]

1.8K 103 34
                                    

CHAPTER - XLIV



Sabay-sabay na tumalon mula sa mga nagkakapalang damo ang labing-isang mga manggagapas, na animo'y kanina pa tahimik na nagtatago at nag-hihintay lamang ng hudyat mula sa Binukot upang umatake. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makakurap habang mariing pinagmamasdan ang mga matatalim nilang mga sandatang naka-amba sa kinatatayuan namin.


"Bawal kabahan bata, ah?" Nakangiti at nagmamayabang na sambit sa akin ni Jotaro, nilingon ko siya at nakitang tulad ko—at ni Je'il, eh mariin rin niyang pinagmamasdan ang papalapit na mga kalaban.


Napansin


"Siguraduhin mong tama 'tong pinaplano mo—" Naiinis namang saad ni Je'il habang dahan-dahang kumakawala ang mga lubid na nakapalupot sa kanyang bewang. Nakita kong inilabas na rin niya ang sandata niyang latigo.


Napalunok ako at mahigpit na hinawakan ang espadang kahoy habang unti-unti ko namang inililipat ang enerhiyang nananalaytay sa katawan ko patungo rito. Muli kong binalikan ng tingin ang mga manggagapas.


Bahala na.


"Tayo na." Utos ni Jotaro.


Mabilis siyang tumalon upang salubungin ang mga manggagapas. At sa unang pagkakataon ay nakita ko rin sa wakas, ang sandatang nakasabit sa likuran ng pinuno. Marahan niya itong hinugot mula sa kanilang mga sisidlan at mabilis na isinuot sa magkabila niyang mga kamay.


Ang sandata ni Jotaro na halos hindi ko pa nakitang ginamit niya. Ang dalawang patos na yari sa pilak na may mahabang patalim nakaharang at tila ba pinoprotektahan ang kanyang magkabilang braso, ang haba nito ay umaabot mula sa kanyang mga kamao hanggang sa kanyang siko. Magkahalong pagka-mangha at kaba ang naramdaman ko. Pagkamangha dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganoong klaseng patos; siguradong masasaktan ka ng husto kapag tinamaan ka nito, siguradong mabubugbog ka ng husto kapag lumapat sa'yo ang bakal na kamao ni Jotaro at kung mamalasin ka—ay baka mahagip ka pa ng talim na naka-amba naman sa kanyang braso. Ang galing.


At kaba naman dahil sa unang pagkakataon ay nakita ko na ring ginamit ito ni Jotaro. Walang ibang pumasok sa isip ko kung hindi ang kabahan—na naman.


Mukhang magiging seryoso ang labanang 'to.


Mula sa itaas ay mabilis na nadanggit ng kamao ni Jotaro ang isa sa mga manggagapas, kitang kita ko kung papaano tinaggap ng nakatakip na mukha ng kalaban ang nakapatos na kamao ng pinuno. Narinig kong dumaing ang manggagapas at mabilis itong tumilapon pabalik sa lupa kung saan tyempo namang malakas na humampas ang ulo nito sa mga naglalakihang bato sa paligid, hinang-hinang humambalos ang katawan nito sa lupa—hindi na nito nagawang makatayo.


"Alisto bata!" Hiyaw ni Je'il.


Napalingon ako at nakita ang isang manggagapas na rumaragasang papalapit sa akin, naka-amba ang mga sandata nito at bumubwelo para sa isang pagatake.


"Huh?" Napailing ako.


Mabilis kong iwinasiwas ang noo'y nagliliwanag kong espadang kahoy at mabilis na pinakawalan ang luntiang liwanag mula rito, hindi naman ito nagawang iwasan ng manggagapas kaya katulad ng isa sa mga kasamahan niya ay tumilapon ito papalayo at malakas na humambalos ang katawan sa malapit na puno.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon