CHAPTER XVII
Gaya ng napagkasunduan namin ni Timar kagabi; mapapasakamay lang namin ang Baluting pinaghahawakan ng mga Alan kung maililigtas namin ang mga batang Alan mula sa mga mambabarang na namamalagi sa siyudad ng Natpo.
Hindi namin inaasahan ang ganitong klase ng pangyayari, ang buong akala ko nga eh makukuha namin ng kaagad ang Baluti mula sa mga Alan, at makakauwi kami ng maaga. Kaso mukhang malabo pa nga talagang mangyari 'yon, at mukhang matatagalan ba bago kami makauwi.
Matatagalan pa bago namin mapasakamay ang Baluti.
Tsk, ano ba naman kasing pumasok sa kokote ko't tinanggap ko 'yung alok ni Timar?
"Ang lalim 'ata ng iniisip mo?" Tanong ni Je'il habang hinihigpitan ang mga lubid na nakapalupot sa kanyang bewang.
Bumuntong hininga lang ako at nagkibit ng balikat, marahan kong itinuloy ang ginagawa kong pagsisilid ng mga pagkaing ibinigay sa amin ng mga Alan sa loob ng maliit kong bag.
"Kung iniisip mo 'yung ginawa mong pagtanggap sa alok ni Timar kagabi, 'wag mo ng masyadong isipin 'yon. Ginawa mo lang ang tama, hindi ka pa rin naman lumilihis sa misyon-para rin naman 'to sa baluti." Giit ni Je'il.
"Tsk, ano kasi-baka hindi tayo makabalik sa templo kaagad." Singhal ko.
"Bakit, binigyan ba tayo ng palugit ni Jotaro? Hindi naman 'di ba? Wala naman s'yang magagawa kung matatagalan tayo sa pag-uwi, ang importante lang makuha natin ang baluti." Mungkahi ni Je'il.
"Ewan ko. Para kasing lalong humirap 'yung misyon-naging dalawa eh." Saad ko naman.
"Ganyan talaga 'pag minsan, minsan kailangan mo munang dumaan sa napakaraming pagsubok bago mo makamit ang pinaka-aasam mo." Nakangiting saad ni Je'il.
Napailing na lang ako, may punto nga naman s'ya. Kung hindi namin gagawin 'to, hindi namin makukuha ang baluti; malamang mabatukan pa ako ni Jotaro kapag umuwi kaming walang dala kung hindi ang balitang nabigo kami sa misyong itinalaga sa amin.
Tsk, kaya lang nanghihinayang ako eh. Siguradong matatagalan kami bago namin mahanap ang mga batang Alan, hindi pa kami sigurado kung maililigtas namin sila-pa'no kung hindi? Paano kung huli na pala ang lahat at hindi namin sila nailigtas? Edi walang baluti?
Kapag walang baluti, hindi na ako makakapasok ng Riasotera.
Malamang hindi na kami magkita ng mga pinsan ko.
Pero nandito na rin naman 'to, napasubo na kami at tinanggap ang alok ni Timar. Hindi mabuti kung uurong pa kami, para rin naman 'to sa akin.
Tama. Ginagawa ko 'to para makapunta ako ng Riasotera at ng sa gano'n ay makita kong muli ang mga pinsan ko.
Tama, 'yun nga siguro... Namimiss ko lang talaga siguro ang mga pinsan ko kaya ganito na lang ako ka-atat at nagmamadali.
Ganoon na nga siguro...
"Teka Je'il, nakapunta ka na ba ng Natpo?" Tanong ko. Natapos na ako sa pagsasasalansan ng mga pagkain sa bag at marahang naupo sa duyan para magpahinga.
"Oo naman! Ang siyudad kung saan masarap ang serbesa at lambanog! Magaganda ang mga binibini, gising ang lahat lalo na sa gabi! Isang napakasayang siyudad! Sino ba naman sa Arentis ang hindi nakakaalam ng lugar na 'yon?" Nakangiting mungkahi ni Je'il na tila ba inaalala ang mga karanasan niya sa nasabing siyudad.
"Ako siguro, kaya nga nagtatanong ako eh." Singhal ko na naman. Nakasimangot akong humarap sa nagmumuni-muning Orano na daglian namang napangisi ng makita ang nakakunot kong mga noo.
BINABASA MO ANG
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing
AventuraIsang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong ala...