XXIX - Ang kasiyahan sa nayon ng Eringkil

2.4K 121 25
                                    

CHAPTER - XXIX



May nakakasilaw na liwanag ang bumabalot sa buong paligid, bukod sa inaapakan kong luntian at sumasayaw sa hangin na mga damo ay wala na akong iba pang maaninag; kahit na malinaw na malinaw kong naririnig ang lagaslas ng payapa subalit malakas na ihip ng hangin, mga ibong nagkakantahan at tubig na maragsang dumadaloy ay hindi ko naman malaman kung saang direksyon ko ito titignan.


Wala akong makita kung hindi ang puti at nakakasilaw na kapailigiran...


At ang luntiang damong tinatapakan ko.


Nagsimula akong maglakad, hindi ko alam kung saang direksyon ako magsisilula kaya pa diretso na lang akong nagpatuloy. Hindi pa rin nagbabago ang paligid, maliwanag pa rin ang buong lugar at naroon pa rin ang mga ingay na hindi ko naman matukoy kung saan nanggagaling.


Hanggang sa huminto ako ng makita ang isang batang babaeng nakaupo sa itaas ng isang bato, nakatalikod ito at tila ba may tinatanaw.


Pinagmasdan ko lamang ang batang babae ng may pagtataka, sino itong babaeng 'to? Sinubukan kong lapitan ang batang babae subalit kataka-taka namang hindi ko magawang makakilos.


Pero tila ba napansin ng babae ang presensya ko, dahil ilang sandali lamang ay dahan-dahan niya akong nilingon, hindi ko maaninag ang itsura niya—-masyadong maliwanag. Basta ang alam ko lang, nakasuot ito ng mahabang tunika na may kulay ng pinaghalong malamlam na kulay ng lila at puti, maigsi ang itim na buhok nitong umaabot lamang sa dulo ng kanyang mga tenga—-sakto lang para takpan ang mga ito, 'yon lang ang naaaninag ko sa kanya.


Napansin ko rin ang dahan-dahang pagngiti ng mga labi n'ya.


"Gising na Kelvin." Nakangiting saad nito sa akin.


Lalo akong nagtaka, S-sino 'tong babaeng 'to? Bakit parang kilala n'ya ako?


"Gising na." Ulit ng babae sa akin.


Lalo akong hindi nakasagot. Gising naman ako ah?


Sinubukan kong lapitan muli ang babae, ang kaso hindi pa man ako nakakahakbang ay bigla kong naramadaman ang dagliang panlalamig ng buong katawan ko, para akong binuhusan ng malamig na malamig na—-


"Gising na bata! Aalis na tayo."


Nang imulat ko ang mga mata ko'y tumambad sa akin ang nakakalokong ngisi ni Je'il habang hawak-hawak nito ang isang tuyong bao ng niyog na may lamang tubig, naka-amba ang braso niya habang hawak ito para basain ako.


Mabilis ko siyang sinipa sa mukha at dali-dali akong tumayo.


"Gising na ako." Naiinis kong sagot habang pinagmamasdan ang basang-basang sandong suot ko. Binuhusan na pala ako ni Je'il kanina, kaya pala pakiramdam ko sa panaginip ko bigla akong nanlamig.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon