LX - Kadenang kidlat

1.8K 101 25
                                    

CHAPTER - LX

"Ipapakita ko sa'yo—gamit ang kapangyarihan ng Lirok... Ang tunay na nangyari, ang tunay na dahilan... Kung bakit kinuha ni Nathaniel, ang sinumpang Balani..."

Muling bumalik sa aking alaala ang narinig kong pag-uusap nina Tatang at ng manghuhulang si Isko, hanggang ngayo'y hindi pa rin ako makapaniwala—ang buong pag-aakala ko'y napakaliit lamang ng dahilan ni Bakunawa nang kunin niya mula sa kaharian ng Arentis, ang sinumpang bato ng Balani...

Subalit nagkamali ako. Matapos kong marinig ang pag-uusap nina Tatang ay Isko, ay napagtanto kong napakalalim pala ng dahilan ni Bakunawa...

Isang napakalalim na dahilan, na nag-udyok sa akin upang magdalawang isip kung ipagpapatuloy ko pa pa ba ang pakikipaglaban sa kanya upang makuha ang Balani...

O pababayaan na lang namin siya sa kanyang adhikain?

Tch. Ang gulo—hindi tuloy ako makapag-desisyon.

Pero—

"Katapusan mo na..."

Muling pinakawalan ni Bakunawa ang asul na liwanag sa kanyang espada at mabilis itong kumaripas patungo sa kinatatayuan ko. Nanghihina man at nananakit ang katawan ay nagawa ko pa rin namang makatalon at makaiwas.

"Graaah!!!" Sigaw ko.

Sandali akong napahinto sa sanga ng punong malapit sa akin at ginamit iyon upang mag-ipon ng pwersa sa aking mga tuhod, pagkatapos ay mabilis akong tumalon patungo sa kanyang direksyon. Naka-amba ang napakabigat na kaliwa kong kamao na kanina ko pa pinunan ng enerhiya.

Hindi ko hawak ang espada ng mga Dalaketnon... Kaya wala na akong iba pang magagawa. Aatakihin ko s'ya gamit lamang ang mga kamao kong pinalakas lamang ng estilong Arkis.

Kaya lang... Hindi ko talaga mapigilan ang tanungin ang sarili ko...

Tama ba itong ginagawa ko? Tama ba itong ginagawa namin?

"Gyaaahh!!"

"Huh--?"

Sunod-sunod na mga suntok ang mabilis kong pinakawalan ng makalapit ako kay Bakunawa. Kitang-kita naman ang pagkagulat niya sa bilis ng pagsulpot ko sa kanyang harapan. Malalakas na kaliwa't kanang suntok ang mabilis na tumama sa kanyang mukha, lahat mabibigat—lahat malalakas, at lahat ay walang mintis na sinasalubong ng gulat na gulat at hindi man lamang naka-salag na mandirigma.

Hindi ako huminto.

"Graahhh—tapos ka na!"

At sa pamamagitan ng isang malakas sa sipa sa kanyang lalamunan ay tuluyan nang tumilapon papalayo ang bubog-saradong si Bakunawa, napasandal ito at napaupo sa isang bato at tahimik na nanantili sa kanyang posisyon habang humihingal.

Kahit papaano nama'y kitang kita ko kung papaano tinanggap ng mandirigma ang mga suntok ko, nagawa kong basagin ang ilang parte ng suot-suot niyang baluti—nakita ko rin kung papaano tumulo mula sa kanyang bibig ang mamula-mulang dugo na marahang pumapatak sa masukal na lupa.

Siguradong napuruhan ko sa pagkakataong ito si Bakunawa...

"Kuya Kelvin! Ang galing mo!" Dinig kog sigaw ni Paolo, na hindi ko naman binalingan.

"Natalo mo si Bakunawa! Ang gal—"

"Hindi pa." Sagot ko.

Mataman kong pinagmamasdan si Bakunawa mula sa pagkakaupo niya sa malaking batong iyon, pagkuwa'y dahan-dahan naman siyang tumayo kasabay ang pabulong nitong paghalakhak.

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon