𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 ➢ 54

656 71 73
                                    

I composed myself before leaving the house, I won't let a simple drawing get in my head.

It's just a drawing, Ray.

Just a drawing.

Nothing more.

It doesn't mean anything.

Just ink on the paper.

"Kinuha mo ba 'yong pagkain sa lamesa?" Napatingin ako kay Jordan nang bigla itong magsalita.

Nire-refillan nito ang gas ng sasakyan habang nakatingin sa akin.

Tinaas ko ang mga kamay ko upang ipakita na wala akong dala.

"Sa'yo raw 'yon sabi ni Zero, nalimutan n'yang sabihin sa'yo kanina kaya pinasabi n'ya na lang, mami-miss ka yata kasi ilang araw kayong hindi magkikita."

Tumingin ako sa Zone na kinandado ko na ang gate, ang hirap pa naman i-lock ng gate nito, ayoko namang baliwalain ang effort ni Zero sa'kin...

"Dali, kunin mo na!" sigaw ni K sa loob ng sasakyan habang tintingnan pa rin ang ID n'ya. "Para may pagkain tayo."

Sabay namin s'yang tiningnan ni Jordan.

"Girlfriend ka rin?" tanong nito kay K at tinawanan lang s'ya ni K.

Iniwan ko na ang dalawa at bumalik sa Zone, kinuha ko ang pagkain na inihanda ni Zero para sa akin.

Napangiti ako nang makitang may maliit na nakatuping papel sa ibabaw.

Kinuha ko ito at napapikit sandali upang pigilan ang tawa ko.

Mayroong isang drawing ng puso sa papel, puso...

As in realistic na puso ng tao.

Natawa na ako mag-isa habang tinitingnan ang puso, malamang ay ideya ito ni Ren o ni One, inutusan si Zero na mag-drawing ng puso, heart shape... at hindi realistic na puso ng tao.

Tinago ko ang papel sa bulsa ng denim short ko at kinuha na ang baunan.

Muli akong bumalik kay Jordan at K na handa nang umalis at hinihintay na ako.

"Ano ang pagkain natin—"

"Pagkain ko, akin, hindi sa atin." Sumimangot si K sa sinabi ko at tinawanan ko lang s'ya.

"Effort pa s'ya sa ganito tapos may ibang babae naman s'yang dina-drawing." Bulong ko habang papasok sa sasakyan.

Pagsara ko ng pinto ay tinitigan ako ni K na halatang nagtataka habang si Jordan naman ay ini-start na ang sasakyan.

"Ano?"

Tiningnan ko si K at nag-iisip kung ikukuwento ko ba sa kanila ang nakita ko o huwag na lang.

"Drawing lang 'yan, Ray." Mahinang sambit ni Jordan at naghahanap ng p'wedeng pakinggan na kanta.

"Ano ka ba! Hindi lang drawing 'yan, kahit ako magseselos eh—"

"Oh 'di ba? Lahat tayo dinadrawing ni Zero, oo, pero... ibang tao, ibang babae? Babae na hindi ko kilala at kung kilala ko man, o nakita ko... na hindi ko lang maalala, o kaya isa sa mga taga ibang Zone, nakakaselos ba 'yon?" Napabilis ang pagk'wento ko nang sang-ayunan ako ni K.

"Nagseselos ka ba—"

"Oo!" diretsong tanong ko kay Jordan.

"Then sabihin mo sa kanya—"

"Na ano? 'Hello, Zero, gusto ko lang i-address 'to, nagseselos kasi ako sa drawing mong babae.'" Dugtong naman ni K at tiningnan ko s'ya habang tumatango ako.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon